Wendell Ramos certified bumbero na; sumabak sa ‘kontra-sunog’ training
HABANG hindi pa bumabalik sa pagte-taping ng pinagbibidahang GMA afternoon series na “Prima Donnas,” nagdesisyon si Wendell Ramos na maging bumbero.
Tinanggap ng Kapuso actor ang hamon na sumabak sa firefighter training para kahit paano’y meron siyang magawang makabuluhan habang wala pang regular work.
Sa latest Instagram posts ni Wendell, ipinakita niya sa kanyang fans at followers ang naging training sa ilalim ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP), isang non-government organization na layuning maghatid ng impormasyon sa iba’t ibang firefighter groups sa bansa.
Aniya sa caption, “It was really an honor to train and be a certified ABP #angbumberongPilipinas. But to be honest, I need to learn and experience more.
“It’s truly a humbling experience for me at sa inyo pong lahat na mga bumbero ng Pilipinas, #saludo po ako sa inyong lahat. Mabuhay po ang ABP nating lahat!”
Ayon pa kay Wendell, kakaibang kaligayahan ang naramdaman niya matapos ang training at mas lalo pa raw siyang humanga sa mga bumbero dahil napatunayan niya na napakahirap din ng kanilang trabaho, not to mention the fact na lagi ring nasa panganib ang buhay nila.
Isa sa mga unang bumati sa latest achievement ng aktor bilang isang certified Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) firefighter ay ang kanyang co-star sa top-rating series na si Katrina Halili.
Komento nito, “Grabe galing! Congrats Jaime @wendellramosofficial.”
Samantala, tuloy pa rin ang online reunion ng cast sa “Prima Donnas: Watch From Home” tuwing Biyernes at 5 p.m. sa Facebook page, Twitter account, at YouTube channel ng GMA Network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.