Talkshow ni Kris sa TV5 kasado na; si Willie nga ba ang producer?

By Cristy Fermin June 30,2020
share this

Talkshow ni Kris sa TV5 kasado na; si Willie nga ba ang producer?

By Cristy Fermin June 30,2020 - 11:07 AM

KRIS AQUINO AT WILLIE REVILLAME

MATATAPOS na ngayong buwan ng July ang matagal na paghihintay at pagkasabik ng kanyang mga tagasuporta na mapanood uli si Kris Aquino sa telebisyon.

    Talk show siyempre ang kanyang linya, du’n siya talaga nangunguna, kaya malapit nang mapanood si Kris sa pagbabalik-TV niya pagkatapos nang halos apat na taon.

    Nilinaw lang ni Willie Revillame na walang katotohanan ang lumutang na balita na ito ang producer ng show ni Kris. Wala raw silang napag-uusapan tungkol du’n.

    Magkaibigan sila, pero hindi nila napag-uusapan kahit kailan ang pagiging producer nito sa bagong show ni Kris.

    Pumirma ng kontrata si Kris sa Cornerstone Entertainment, ang pinakahuling balita ay ang produksiyon ang magpo-produce ng talk show, mapapanood na ‘yun ngayong July sa TV5 bilang blocktimer.

    Magandang balita ito para sa mga kababayan nating matagal nang nakaka-miss sa klase ng hosting ni Kris Aquino.

    Habang nagbibilang na lang tayo ng mga araw sa pagbabalik-telebisyon ng aktres-TV host ay matinding problema naman ang kinakaharap ngayon ng pinanggalingan niyang ABS-CBN sa usapin ng prangkisa.

    Kung magbiro nga naman ang kapalaran. Ang pintuang nagsarado sa karera ni Kris Aquino ang ipinasarado naman ng NTC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending