Coco inikot ang bagong 'bahay' ng Probinsyano; 2 respetadong celeb kumampi sa ABS-CBN | Bandera

Coco inikot ang bagong ‘bahay’ ng Probinsyano; 2 respetadong celeb kumampi sa ABS-CBN

Alex Brosas - June 29, 2020 - 04:45 PM

TULOY na tuloy na ang pagbabalik-trabaho ni Coco Martin para sa pagpapatuloy ng Kapamilya series na “Ang Probinsyano.”

Nagsimula nang mag-ocular si Coco kasama ang production team sa kanilang location para sa muling pagsabak nila sa taping under the new normal.

Sa ilang litratong nakita namin sa social media, makikitang kasama ni Coco ang co-star niyang si John Prats at ilang staff habang nag-iikot sa hacienda ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa Lipa, Batangas.

Ang balita, ilang linggong mananatili sa Batangas ang cast members at production staff ng serye dahil naka-lock in na sila roon para tapusin ang lahat ng kanilang mga eksena.

Pansamantalang napapanood sa CineMo ang replay ng “Ang Probinsyano sa TV plus at Kapamilya Channel sa cable network na hindi sakop ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN.

                          * * *

Kung akala ng iba ay biro lang ang epekto ng pagsasara ng ABS-CBN sa mga empleyado nito, mali sila dahil kahit mga artista ay kakaltasan na ng sweldo at kasabay ito sa napipintong pagtanggal sa mga empleyado ng network kung hindi pa rin ito magbubukas.

Wala rin namang puwedeng manisi sa Kapamilya network, P30-P35 milyon ang nawawala sa kanila araw-araw, kaya kailangan talaga nilang gumawa ng mabibigat na hakbang para mapanatiling buhay ang kompanya at mabigyan pa rin ng trabaho ang 11,000 workers nito.

Sabi ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, ito na ang maituturing na longest hearing para sa isang prangkisa. Tanong tuloy ng marami, kailan pa magbibigay ng desisyon ang Kongreso, kapag libo-libong empleyado na ang nawalan ng trabaho? 

“In history palagay ko ito ang pinakamahabang hearing para sa isang prangkisa. Walo na, pero wala pa akong nakikitang end in sight. ‘Yung ibang prangkisa binigay ng Kongreso, some of them are even proven ineffective and useless, tatlo o apat na hearing tapos na,” sabi ni Atienza sa isang online kapihan kasama ang Samahang Plaridel sa Facebook.

Marami rin ang agree sa sinabi ni Rep. Atienza na pagbotohan na ang kasong  ito. Paulit-ulit na lang kasi ang mga ibinabatong isyu at wala namang napapatunayan sa mga akusasyon. 

Kahit pa sari-saring ahensya na ng gobyerno ang nagsasabing walang nilabag ang ABS-CBN, ipinipilit pa rin ng mga kontra na may kasalanan ang Dos.

“Eh pwede nang pagbotohan ito. The speaker cannot pass the ball to anyone. This is a case of wasting officials’ time and people’s patience that is now bordering to exasperation. Wala silang napatunayan du’n sa illegality ng pagkakakuha ng network,” sabi pa ng kongresista.

Ganito rin ang sentimyento ng Kapusong si Mareng Winnie Monsod at sinabing “Stop the farce” o tigilan na raw ang kalokohan sa Kongreso at i-renew na ang prangkisa ng Dos dahil wala naman daw pinatutunguhan ang paikot-ikot na diskusyon dito. 

“The attempt to revise history is bound to fail. Renew the franchise of ABS-CBN. Stop this farce,” sabi niya. 

Sabi naman ng journalist na si Julie Yap Daza, isa ang ABS-CBN sa mga solusyon sa problemang hinaharap ng bansa sa edukasyon dahil sa lawak ng naaabot nito kaya dapat ibigay na ang prangkisa nito.

“Fortunately, Mr. President, ABS-CBN has the widest, farthest reach to teach, with five AM and 18 FM radio stations (plus 42 TV stations) covering the archipelago’s most farflung barrios and barangays. The solution is within sight and sound, Sir,” sabi niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napakarami ng personalidad na ang umuudyok sa Kongreso na ipasa na ang prangkisa ng ABS-CBN dahil napakalaki ng maitutulong nito sa bansa ngayon. 

Sana magbigay na ng desisyon ang Kongreso sa lalong madaling panahon. Hanap-buhay ng libo-libong Pilipino ang nakasalalay dito at sa magulong panahon ng pandemya, ang mawalan ng trabaho ang hindi gugustuhin ng sinuman ngayon. Sana makita at maramdaman ito ng ating mga Kongresist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending