outbrain

KC Montero, 100 iba pa inaresto sa loob ng resto bar 

By Ervin Santiago June 29,2020
share this

KC Montero, 100 iba pa inaresto sa loob ng resto bar 

By Ervin Santiago June 29,2020 - 02:52 PM

ARESTADO ang actor-host na si KC Montero at 120 iba pa dahil sa paglabag sa community quarantine guidelines at health protocols.

Isa si KC o Casey Miller sa tunay na buhay sa mga hinuli ng otoridad sa isang high-end resto-bar sa Makati kahapon dahil sa umano’y pagsasagawa ng “mass gathering.”

Ayon sa mga operatiba ng Makati police, nagsagawa sila ng operasyon sa nasabing resto-bar na matatagpuan sa 18th floor sa isang condominium sa Salcedo Village, Barangay Bel-Air base sa natanggap nilang intelligence report.

Nabatid na ilang beses na umanong nagsasagawa roon ng exclusive gatherings na hindi sumusunod sa health protocol, partikular na ang physical distancing.

Sa isang panayam kay KC, naroon sila ng asawa para mag-dinner lang, “That place was open before so parang feeling ko, okay. Why were they open if they’re not allowed to open? 

“Maybe that’s my fault, I didn’t do my research. So feeling ko, they’re allowed to be open. So I went,” aniya.

Sinabi rin niya na nakasuot sila ng face mask at meron ding social distancing bukod pa sa magkakalayo ang mga mesa.

Base sa ulat, 91 customer ng resto bar at 19 empleyado nito ang hinuli at dinala sa Brgy. Guadalupe Nuevo Gym para ma-observe pa rin ang social distancing.

 Na-inquest na sila kaninang umaga  at posibleng makasuhan ng violation of Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending