Pondo pambili ng COVID-19 vaccine dapat nakahanda
MAGLALAGAY ang Kamara de Representantes ng pondo na pambili ng gamot laban sa coronavirus disease 2019 sa 2021 national budget.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano dapat ay nakahanda na ang pambili kapag nagkaroon na ng bakuna.
“What if there is a vaccine and they won’t supply unless you pay at once? So the funds should already be available in the budget,” ani Cayetano. “We know they are being cautious about the deficit, but funds should already be allocated for the Covid-19 vaccine. And we can label it as Covid-related programs so that if the vaccine is not yet available, they can use the money for testing or procurement of medical supplies. They won’t have to go back to Congress for additional appropriation.”
May mga laboratoryo na sinusubukan na ang pagiging epektibo ng kanilang nagawang bakuna.
Bukod sa bakuna, isasama rin sa 2021 national budget ang stimulus package upang matulungan ang mga naapektuhan ng COVID-19 na makabangon.
Sinabi ni Cayetano na pinag-uusapan na ng Kamara de Representantes, Senado at Department of Finance ang pinal na bersyon ng budget.
“I think 80-90 percent we’ve gone over it and we already have some consensus,” dagdag pa ni Cayetano.
Bukod sa budget ay aasikasuhin din ng Kamara ang Bayanihan 2 kung saan nakapaloob ang P200 bilyong recovery program at projects.
Mas magiging detalyado rin umano ang Bayanihan 2 kumpara sa Bayanihan 1.
“For example, we don’t want to allocate funds for tourism in general. We want to be more specific. Is the money for facilities, infrastructure, or is it for training of tourist guides? But we are also discussing some flexibility for the executive branch.”
Pag-uusapan din umano ang mga pangangailangan sa pampublikong paaralan sa ilalim ng new normal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.