‘Karapatan ni Mega na kasuhan ang taong nambaboy sa kanya at sa mga anak’
KUNG hindi magbabago ang kanyang plano, aside from her daughter Frankie’s wrongdoers in social media ay may haharapin pang kaso si Sharon Cuneta, this time involving her former publicist Ronald Carballo.
Hindi namin nabasa ang umano’y latest na paninira ni Ronald laban kay Sharon as he left no trace of it pero na-screenshot, or against her other daughter KC Concepcion.
Pero maliwanag na may ground si Sharon to make Ronald accountable for the write-up.
Ang nabasa namin ay ang mahabang paghingi ni Ronald ng sorry kay Sharon, reliving his fond memories of the then-15 year-old showbiz upstart na nakilala niya.
Nabasa rin namin ang hinampo ni Sharon although hindi na niya tinukoy ang pagkakakilanlan nito, pero patungkol ‘yon sa taong minsang naging malapit sa kanya who later turned hostile sa kung anong dahilan.
She left a footnote saying na hindi niya mapapalampas ‘yon, and apparently ay gusto niya itong ihabla.
* * *
Who is Ronald Carballo sa aming pagkakaalam?
Dekada nobenta noong pasukin namin ang larangan kung saan nauna siya: ang pagsusulat.
Back then ay may pangalan na ang aming ka-initials, isang batikang manunulat sa mga babasahin ng GASI.
Nasa kabilang bakuran kami kaya there was not a slim chance na magkasalubong kami except at functions kung saan lang kami imbitado.
I remember Ronald as parang regular member of the showbiz press na nag-iinterbyu kay Sharon sa isang segment ng kanyang show amidst the studio audience at the gallery.
It took a while bago kami nagkakilala, but my first impression of Ronald was that he was literally as big as he thought of himself. May ere, may kung anong attitude na nakaka-intimidate na hindi mo naman inaano o sinusukat.
Kapag may mga taong ganu’n who we bump into, we give ourselves a favor by not allowing them to affect us.
Kumbaga, sa kanila na ‘yung feeling-feeling as long as we know who we are.
* * *
Ang mga sumunod na taon sa showbiz made us discover more people, anong uri sila, anong meron lang at wala sa kanila.
Hindi na mahalaga sa amin ang sukatan ng isang mahusay sa larangan ng pagsusulat, although Ronald—I must confess—is far from being good at it. Kumbaga sa nakahaing putahe sa mesa, it’s all production design. The taste is bland, making you feel sorry you ever got a taste of it.
Actually, I have no beef with Ronald, personally or otheriwise. Pero may mga iilan akong malalapit na kaibigan na bumaklas na sa kanya. Entonces, wa nila feel ang ugali meron nito who will get every chance to stab you nang nakatalikod.
Sa ginawa ni Ronald kay Sharon, we could imagine how the Megastar took good care of him noong mga panahong masasaya. How Sharon had babied Ronald and had treated him like family ay naiimadyin namin.
But whatever the cause of the falling out was, okey na ‘yung nagsolian na lang kayo ng kandila. Pero ang “babuyin” mo ang pagkatao ng taong minsang nakasama mo is way too unfair.
Truth be told, may fair share din kami ng mga ganyang kuwento, but it’s enough to spare that person in a way that you still treat him as a person that he is.
Back to Sharon, alam niya what’s best for her para turuan ng leksiyon ang isang taong nambaboy sa kanya at sa kanyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.