Pasyente tumalon sa second floor ng ospital, di nagalusan | Bandera

Pasyente tumalon sa second floor ng ospital, di nagalusan

- June 26, 2020 - 05:13 PM

HINDI man lang nagalusan ang 44-anyos na pasyente na naka-confine sa ospital sa Tagbilaran makaraang tumalon mula sa ikalawang palapag ng pasilidad.

Ayon kay Dr. Mutya Kismet Tirol-Macuno, medical center chief II ng Governor Celestino Gallares Memorial Hospital (GCGMH), tumalon ang pasyente sa bintana ng CR sa isa sa mga isolation rooms sa Civi-19 wing ng ospital.

Ligtas naman ang pasyente at hindi nagtamo ng sugat o bali sa katawan.

Mayroong respiratory problem ang pasyente kaya naka-admit ito sa sa nasabing wing.

Ayon kay Macuno, “isolated case” ang nangyari at patuloy nilang tinitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasyente. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending