Tatay, kapatid ni Alden hataw sa TikTok; Bitoy, Dingdong, Heart may pasabog sa Wowowin   | Bandera

Tatay, kapatid ni Alden hataw sa TikTok; Bitoy, Dingdong, Heart may pasabog sa Wowowin  

Jun Nardo |June 25,2020
facebook
share this

Tatay, kapatid ni Alden hataw sa TikTok; Bitoy, Dingdong, Heart may pasabog sa Wowowin  

Jun Nardo - June 25, 2020 - 01:02 PM

NAKIUSO na rin ang father at younger sister ni Alden Richards sa patok na patok na ngayong TikTok.

Bentang-benta ngayon sa mga netizens at mga supporters ng Pambansang Bae ang TikTok video nina Daddy Bae gamit ang kantang “Binibining Marikit.”

      Ibinahagi ni Richard Faulkerson, Sr. at ng kapatid ni Alden na si Angel ang kanilang dance moves sa Instagram video.

      Simpleng-simple lang ang sayaw nila pero sa bandang huli, ninakawan ng eksena ni Daddy Bae ang bunsong anak, huh!

      Namangha naman si Angel sa ginawa ng kanyang tatay sa bandang ending ng video.

      Komento ng isang netizen, “Walang sinabi si Junior Senior ftw.”

      Sabi naman ng isa pa, “Kakaiba yung kay DB. May pasabog sa dulo.”

                          * * *          

Ibabandera na nina Michael V, Heart Evangelista at Dingdong Dantes ngayong hapon sa Tutok To Win ng “Wowowin” ang bago nilang pasabog.

Naintriga ang lahat ng nakapanood sa 15-seconder video ng tatlong Kapuso stars.

      Mas makulay at mas magandang panoorin ang pahayag nila sa video kaya gusto na itong malaman ng manonood.

      May idea na kami kung anong pasabog ito pero mas mainam kung tututukan n’yo na lang ito sa show ni Willie Revillame!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                    

                                    

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending