Kilalang aktor inireklamo ng mga kapitbahay: Namerwisyo ang mga aso niya! | Bandera

Kilalang aktor inireklamo ng mga kapitbahay: Namerwisyo ang mga aso niya!

Reggee Bonoan - June 24, 2020 - 04:03 PM

“HINDI tumupad sa usapan, siya naman ang nagbigay ng schedule!” 

Ito ang iritableng kuwento sa amin ng isang kaibigang nakatira sa subdibisyon kung saan nakatira ang kilalang aktor na may-ari ng malalaking asong Siberian Husky.

Hindi muna namin papangalanan ang aktor dahil hinihintay pa namin ang sagot niya at ng kanyang handler tungkol dito na ipinaabot na namin sa kanila kamakailan.

Ang kuwento, nakawala ang dalawang Siberian Husky ng aktor at nambulabog ng mga kapitbahay hanggang sa nakarating sa bahay ng kaibigan namin kung saan marami silang alagang manok na panabong at mga inahin.

“Nagulat kami kasi kinagat nu’ng malaking aso ‘yung panabong na manok namin, hayun namatay, e, alam mo naman kung magkano, di ba?  Tapos ‘yung mga inahin naming manok naglagasan lahat ang mga balahibo, nasira ‘yung bakod namin, maraming nadamay.

“’Yung kapatid ni _____ (aktor) ang sumundo sa mga aso nila, sinabi namin at ang sabi lang, ‘sasabihin ko po sa kuya ko.’

“Pero hindi nakipagkita si ____ (aktor), pinuntahan ng kapatid ko, sabi tulog daw at hindi puwedeng gisingin. Ilang beses pinuntahan hanggang sa nakausap at ibinilin sa kasama sa bahay ang oras na magkikita sa Clubhouse kasi nagsumbong na kami sa Presidente ng subdivision, eh.

“Nag-set ng oras at araw, hindi naman dumating, ano ba ‘yun?  Hindi pinapansin ‘yung kaso namin?  Sino ba handler niya at baka puwedeng tawagan para sabihan ‘yung artista nila?” detalyadong kuwento sa amin ng aming kaibigan.

Tinawagan namin ang handler ng aktor at nagsabing nasa shooting at naka-lock in kaya siguro hindi nakakasipot sa usapan bukod pa sa walang signal sa location.

“Hayaan mo kapag nakausap ko na siya, kasi as of now mahina signal at hindi kami nagkakausap pa.  Matatagalan kasi sila roon,” sabi ng handler sa amin.

Sinabi namin sa kaibigan namin ang paliwanag ng handler at naintindihan naman niya, pero ang ikinaiinis lang daw ay ang mga naiwang kasama sa bahay na laging katwiran ay tulog at hindi naman sinabing nasa shooting.

“Laging tulog, laging tulog, ano ‘yun hindi na gumigising?  Bakit hindi sinabing nasa shooting pala?  Walang alam ‘yung mga kasama sa bahay?” katwiran naman ng naperwisyo ng mga aso ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

To be exact, two weeks na ang nakararaan nang mangyari ang insidenteng ito pero ni minsan ay hindi man lang nagpasintabi ang aktor.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending