Tapyas sa TF ng artista, ‘no pay no taping rule’ sakit sa ulo ng talent managers
KINUMPIRMA ng talent manager-TV host na si Lolit Solis na napagkasunduan ng mga kapwa niya manager na ibaba ang talent fee ng mga artista nilang may programa sa ABS-CBN.
Ayon sa post ni Manay Lolit, “Nagulat ako nang malaman ko ang meeting pala ng PAMI sa ABS-CBN ay napag-usapan ang price cut o discount sa talent fees ng mga artista. Kasi nga hindi ako naga-attend ng meeting pag gabi, at bobo ako sa Zoom kaya wala ako duon.
“Sabi ni June Rufino pumayag daw lahat ng PAMI members sa hiniling na discount ng ABS. Ok fine, pero ang naging problema ko hindi ako nasabihan ng mga EP ng kunin nila ang mga stars ko, kaya na-shock ako dahil inakala pala nila na nasabi na ni June Rufino sa lahat.
“Sa tindi ng sitwasyon ngayon na kapit patalim siguro o talagang artistic juices na lang ang hinahabol ng mga artista sana nga pumayag sila sa 50% to 20% cut na babawasin depende sa TF nila, at iyon sitwasyon sa taping o shooting na lock in na no taping no pay.
“Nanduon ka sa loob ng 1 month pero ang babayaran lang kung ilang araw ang trabaho mo, at siyempre huwag kang maghanap ng magandang accommodation, hindi hotel kundi motel type ang titirhan nyo, wala kang alalay, make up artist, stylist. At hindi ka rin puwede maging mapili sa pagkain dahil kung ano ang nanduon sa set , iyon ang pagkain nyo.
“Alam ng lahat ang sitwasyon ng showbiz ngayon, siguro dito mati test ang tolerance level ng artista, dahil hindi lang basic ang babalikan mo sa trabaho, balik din ngayon sa mga dating talent fee before nauso iyon sky rock high na asking price ng mga artista.
“Now is the moment of truth, parang starting uli ang showbiz, panahon na regular pa ang payslip at wala ang mga nauso na personal make up artist at stylist. Welcome to the real world. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”
Nabanggit din sa amin ng isa pang talent manager na maski ang malalaking artistang contract stars ng ABS-CBN ay nagbaba rin ng talent fees.
Dagdag pa ni Manay Lolit, mas mahirap i-inform sa mga free lancer artist ang pagbaba ng talent fees nila kumpara sa contract stars ng isang network.
“Siguro iyon price-cut madaling gawin sa mga contract stars ng network, pero mahirap explain sa mga freelancers iyon cut na 50% to 20% sa talent fee nila.
“Appreciate ko iyon pagpayag ng PAMI dahil siyempre pay back time din sa good times na natikman mo nuon sa trabaho, pero iyon mas malaki ang danger ngayon dahil andiyan parin ang virus, iyon discomfort mo habang naka lock-in, iyon naka lock-in ka pero no taping no pay ka rin naman.
“Hindi mo nga siguro ma feel iyon price- cut kung araw-araw ang taping mo habang naka lock-in. Ewan ko sa ibang managers kung paano nila explain sa kanilang alaga pero ang hirap nito sabihin dahil nga sa laki ng price cut.
“Iyon under contract sa network ok, dahil ang manager nila ang network, iyon desisyon nila ang masusunod.
“Wow talaga ang sakit ulo na binigay ni Covid 19 , ang choice mo either magtrabaho o hindi , dahil nga sa mga changes. Hoping ko na lang na nanduon parin iyon excitement nila to face the camera inspite and despite all the changes. Sakit ulo talaga. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.