'Mas magandang manahimik na lang si BB Gandanghari' | Bandera

‘Mas magandang manahimik na lang si BB Gandanghari’

Cristy Fermin |June 24,2020
facebook
share this

‘Mas magandang manahimik na lang si BB Gandanghari’

Cristy Fermin - June 24, 2020 - 11:33 AM

DEDEDMAHIN lang ni Carmina Villaroel ang mga pinagsasasabi ngayon ng dating Rustom Padilla sa social media.

    Ewan naman kung anong kalungkutan ang lumulukob ngayon kay BB Gandanghari para muling sariwain ang kanilang relasyon ng aktres.

    Kung nu’n ngang naghiwalay sila at pumasok sa eksena si Zoren Legaspi ay wala tayong anumang narinig mula kay Carmina, ngayon pa ba naman siya magsasalita, ngayong halos kalimutan na nga ng kasaysayan ang kanilang nakaraan?

    Ngayon pa ba magkukuwento si Mina, ngayong nagpapanggap nang babae ang kanyang dating asawa, ngayong parang magkamukha na nga silang dalawa?

    Hindi lang epekto ng lockdown ang kalungkutang nararamdaman ngayon ni BB Gandanghari, mas malalim pa du’n ang dahilan, kaya kung anu-ano ang ipino-post nito ngayon.

    Tama bang away-awayin nito si Vice Ganda? Siyempre, hindi rin naman papatol sa kanya ang sikat na komedyante, deadmatology lang ang Viceral dahil bakit nga naman ito magsasayang ng panahon sa kanyang mga kuda?

    Nananahimik na si Carmina, maligaya na siya sa piling ni Zoren at sa kanilang kambal, huwag na sana silang guluhin ng mga alaalang pinagsasasabi ng dating Rustom Padilla.

    Si BB Gandanghari na rin naman ang nagdiin na patay na si Rustom Padilla, si BB Gandanghari na ang nasa mundo ngayon, kaya bakit pa nito binabalik-balikan ang kanilang nakaraan ni Carmina?

    Mas magandang manahimik na lang si BB Gandanghari, lalong hindi magugustuhan ng kanyang pamilya ang mga nagaganap ngayon, mabibigo lang ang kanyang pag-asang susuportahan na ng kanyang ina at mga kapatid ang bagong mundong meron ito ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending