DAPAT umanong ikonsidera ng Department of Health ang pag-aaral na isinagawa ng World Health Organization kaugnay ng bakuna laban sa pneumonia.
Ayon kay House committee on Health chairman Angelina Tan ang pahayag ng WHO na equally effective ang pneumococcal conjugate vaccines (PCVs) 10 at 13 ay dagdag na opsyon ng DoH sa pagbili nito ng bakuna.
“Both vaccines exist. If the health assessment proves that both PCV10 and PCV13 have the same effects, then we need to go through a procurement process that’s open and competitive so the government can save on costs,” ani Tan.
Dapat umano ang bilhin ng DoH ay ang bakuna na mas mura subalit tiyak na epektibo.
Noong Pebrero 2019, sinabi ng WHO na ang PCV10 at PCV13 ay parehong epektibo sa paglaban sa overall pneumococcal diseases sa mga bata.
Dahil dito ay ipinagpaliban ng DoH ang pagbili ng PCV at inatasan ang Health Technology Assessment Council (HTAC) na magsagawa ng review.
Sa Kamara de Representantes ay naghain din ng resolusyon ang ilang kongresista upang tiyakin na magkakaroon ng bukas at competitive bidding sa pagbili ng gamot na kailangan upang matiyak na hindi kakalat ang sakit.
Ayon kay Ako Padayon Pilipino Rep. Adriano Ebcas na mahalaga na masiguro na maililigtas ang mga batang Pilipino mula sa pagkakaroon ng mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
“An open, fair, competitive public procurement of NIP (National Immunization Program) vaccines provide the Filipino people the broadest possible options for affordable, quality, and registered vaccines, allowing for potential significant savings to the government while at the same time promoting strong public governance,” ani Ebcas.
Nauna ng sinabi ni Health Undersecretary Dr. Maria Rosario Vergeire na hiningi ng ahensya ang tulong ng HTAC upang matiyak na magiging tama ang paggastos sa bibilhing bakuna.
Kung mas mura umano ang mabibiling PCV ay magagamit ang matitirang pondo para sa pagbili ng iba pang bakuna sa ilalim ng Expanded Program for Immunization (EPI).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.