Kim bagong tsuper-hero; namigay ng ayuda sa mga jeepney driver
NAMIGAY ng relief goods si Kim Chiu sa mga jeepney drivers na nawalan ng kita dahil sa hindi pa pinapayagan ang pagpasada nila using traditional jeepneys.
Kumalat sa social media ang personal na pagdi-distribute ni Kim sa mga apektadong jeepney drivers ng Monumento-Baclaran-Avenida.
“TIGNAN: LUMABAS SI KIM CHIU para sa ating mga jeepney driver! Kasalukuyang namimigay ng relief goods ang PISTON kasama ang kanyang team sa mga tsuper ng Monumento- Baclaran- Avenida,” ang caption na nakalagay sa FB page ng Piston: Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide.
Ang daming humanga sa humanitarian act ni Kim sa social media.
Puring-puri nila ang dalaga. Dapat daw itong tularan dahil kahit na na-bash nang husto dahil sa kanyang nakalilitong pahayag about classroom protocol ay naging daan ito para makagawa siya ng hit na kanta.
“Ipagpatuloy mo yan. Wag kang papa apekto sa mga walang hiyang bashers.”
“Keep it up Kimmy, thank you.”
“Good job Kim. Ur nice inside and out. Youre a real tsuperhero now!”
“Yan c kimmy, kahit binash nang todo hindi nakakalimut tumulong. abas mga bashers labasssss!!!!! Anu kau ngaun nganga.”
“Mabuti pa si kim tumutulong yong mga nanlalait kaya sa kanya. Tulad din kaya sa kanya namigay din.”
“Ganyan sya ka bait, kahit bash ng bash Yung iba Jan.”
“Mga basher nganga. Gayahin nyo n lang si Kim tumulong kayo hindi puro panglalait. Karma is real reminder!”
Kung matatandaan, nag-donate rin si Kim sa ilang charity projects ng pinagbentahan ng kanyang “Bawal Lumabas” merchandise.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.