Willie nalaglag sa upuan dahil sa performance ni Bianca sa Wowowin | Bandera

Willie nalaglag sa upuan dahil sa performance ni Bianca sa Wowowin

Ervin Santiago - June 23, 2020 - 09:12 AM

TALAGANG matatawag na very professional ang well-loved Kapuso TV host-comedian na si Willie Revillame. 

Kahit kasi nalaglag na siya sa upuan sa live episode ng “Wowowin” last week ay nagawa pa ring magpatawa ng komedyante.

Maging ang kanyang guest noong araw na iyon na si Bianca Umali at co-host na si Donita Nose ay humanga sa kanyang professionalism. 

Tuwang-tuwa kasi si Willie sa naging performance ni Bianca sa show at patuloy ang kanyang papuri rito habang paupo sa kanyang silyang may gulong nang bigla na lang siyang nahulog at napaupo sa sahig.

Aniya habang tumatawa, “Joke lang ‘yun! Patawa lang ‘yun.”

Gayunpaman, mabilis din siyang nakatayo at nakapagbiro pa nga.

Sa kabila ng nangyari, the show must go on pa rin para sa Wowowin host na hinangaan hindi lang nina Bianca at Donita kundi pati na rin ng iba pa niyang kasamahan sa programa.

 

Samantala, hindi tumitigil si Willie sa paghahatid ng saya at sopresa gabi-gabi sa mga manonood simula pa noong magkaroon ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

 Napapanood pa rin ang Wowowin mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts.

Samantala, marami rin ang naaliw sa batuhan ng punchlines at laglagan portion nina Willie at Ai Ai delas Alas sa Wowowin recently.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang nag-suggest na pagsamahin sa isang show ng GMA ang dalawa dahil ang tindi ng kanilang chemistry. Para kay Ai Ai, talagang matagal na niyang gustong makatrabaho ang comedian pero wala lang chance.

Pero malay n’yo, nang dahil sa trending guesting ni Ai Ai sa show ni Willie ay biglang makaisip ang GMA ng bagong programa para sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending