MAY tigil-pasada ang mga tren ng Metro Rail Transit 3 sa apat na weekend ng Hulyo hanggang Setyembre upang magbigay daan sa pagpapalit ng riles.
Ayon sa Department of Transportation-MRT3, walang biyahe ang mga tren sa Hulyo 4-5, Agosto 8-9, Agosto 21-23 at Setyembre 12-13.
“Rail replacement works to be done during the weekend suspension include turnout works for both the southbound and northbound tracks at North Avenue and Taft Avenue stations. Turnouts are used to enable trains to switch from one track to another,” saad ng pahayag ng ahensya.
Sa pamamagitan nito ay matatapos na ang pagpapalit ng riles sa buong linya sa Setyembre.
“After rail replacement works are completed, train operating speed will gradually increase from 40kph to 60kph by December 2020, and headway, or the interval between trains, will gradually decrease to 3.5 minutes.”
Magbibigay-daan din umano ang suspensyon ng biyahe para makapagsagawa ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries, ang service provider ng MRT-3, ng comprehensive rehabilitation, rail destressing, rerailing, turnouts replacement, resurfacing, rail profile grinding, ballasting and tamping, at iba pang gawain sa sistema.
Upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa mga nabanggit na araw, paiigtingin umano ang bus augmentation program ng DOTr Road Sector at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.