Kim Molina: Problema n'yo sa boobs kong hiwalay? Social distancing nga, di ba?! | Bandera

Kim Molina: Problema n’yo sa boobs kong hiwalay? Social distancing nga, di ba?!

Ervin Santiago - June 22, 2020 - 02:42 PM

BINUWELTAHAN ni Kim Molina ang ilang bashers na walang ginawa kundi ang laitin at okrayin ang kanyang boobs.

Marami ang nakapansin sa litrato ng aktres sa social media kung saan halos mag-hello na ang kanyang dibdib sa suot na sexy black OOTD.

Nakasuot din siya ng face shield at nilagyan ng caption na, “#NewNormal” with matching camera and clapper emojis. Meaning, nagbalik na rin siya sa shooting para sa isang project.

Ilang netizens ang nag-comment  tungkol sa dibdib ng girlfriend ng komedyanteng si Jerald Napoles — anila bakit daw magkahiwalay ang cleavage nito? 

May ilan naman ang nagsabi na mukhang “losyang” na raw ang kanyang dibdib, sana raw ay hindi na siya nagsusuot ng mga revealing clothes para hindi siya nahuhusgahan.

Pero in fairness kay Kim, hindi siya nagpakita ng galit o pagkairita at sa halip na murahin at pagsalitaan din ng masasama ang bashers idinaan na lang niya ang pagresbak sa pagpapatawa.

In-edit ng dalaga ang caption sa kanyang litrato, “P. S. Dahil ang daming hanash: Problema niyo sa boobs kong hiwalay?

“Eh social distancing nga diba,” hirit ni Kim kalakip ang face with tongue sticking out at peace sign emoji.

Ayon pa kay Kim wala siyang issue sa katawan niya at hindi siya magpapadikta kahit kanino kung ano ang dapat niyang isuot dahil alam din niya kung ano ang bagay at hindi bagay sa kanya.

Kung may mga nangnega kay Kim, meron din namang kumampi sa kanya. Wala raw silang nakikitang mali sa itsura ng boobs ng aktres.

“Siguro ngayon lang nakakita ng tunay na dibdib yang taong yan. Ganyan ang boobs na totoo at hindi retokado.”

“Grabe pati talaga boobs ginawan ng issue? E ano naman kung hiwalay? Magtaka ka kung magkadikit yan at hindi gumagalaw. Tama ka Kim, observe social distancing mahirap nang mahawa sa kabobohan ng iba dyan!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sino nambash sa boobs na social distancing?”

“Kinabahan ako, required ba magkadikit? Hiwalay din kasi sa kin. Unless isa lang boobs nila or kambal kaya magkadikit??!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending