19 pang ruta ng modern jeepney bubuksan ngayong linggo
LABINGSIYAM na ruta ng mga modernong jeepney ang bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Miyerkules at Biyernes.
Ito ay bukod pa sa 15 ruta na binuksan ng LTFRB ngayong araw.
Ipinaalala naman ng LTFRB ang pagpapatupad ng cashless fare payment at health protocol sa mga driver, konduktor at pasahero.
Hindi rin maaari ang punuan at dapat mayroong marka kung saan lang maaaring umupo ang pasahero.
Dapat ay nakaagay din umano ang fare matrix na pagbabatayan ng pamasahe. Ang minimum fare ay P11 para sa unang apat na kilometro ng biyahe at dagdag na P1.50 sa bawat susunod na kilometro. Para sa mga airconditioned jeepney ang minimum ay P11 at ang mga susunod na kilometro ay P1.80.
Ang mga bubuksang ruta sa Miyerkules ay:
1. Bagong Silang – SM Fairview
2. Malanday – Divisoria via M.H. del Pilar
3. Parang, Marikina – Cubao
4. Eastwood, Libis – Capitol Commons
5. Gasak – Recto via Dagat-dagatan
6. PITx – Lawton
7. Alabang – Zapote
8. PITX – Nichols
9. PITX – SM Southmall
Sa Hunyo 26 ang bubuksan naman ay:
1. Quirino Highway – UP Town Center
2. SM Fairview – Commonwealth via Regalado Ave.
3. QMC Loop
4. Tikling – Binangonan
5. Antipolo – Pasig via East Bank Road
6. Rosario – Pinagbuhatan Pasig
7. West Aveune – P. Noval via Del Monte
8. Biñan – Balibago via Manila South Road
9. Tramo – Sucat
10. San Isidro – Congressional Junction Dasmarinas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.