Sylvia nakagawa ng paraan para sa surprise 18th b-day party ng anak | Bandera

Sylvia nakagawa ng paraan para sa surprise 18th b-day party ng anak

Ervin Santiago - June 21, 2020 - 01:39 PM

 

HINDI naging hadlang ang COVID-19 pandemic at community quarantine para mabigyan ng surprise birthday party ni Sylvia Sanchez ang anak na si Gela.

Of course, nakatuwang ng award-winning Kapamilya actress ang kanyang pamilya at mga kasama sa bahay sa pag-organize ng 18th birthday celebration ng anak.

Simple man ang naging selebrasyon ng debut ni Gela mukhang happy at nag-enjoy naman siya sa munting pasorpresa sa kanya ng kanyang family.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi nga ni Sylvia ang isang video kung saan mapapanood ang pagpasok nila sa kwarto ni Gela para pormal siyang i-welcome sa pagiging legal age at pagkadalaga.

Makikita sa video si Ibyang at asawang si Art Atayde na may hawak na white tulips para ibigay sa kanilang anak habang sumusunod naman si Ria na may dala-dalang  chocolate cake with matching  candles na nakatusok sa ibabaw.

Nandoon din ang dalawa pang anak nina Sylvia at Papa Art na sina Arjo at Xavi with the other members of their family.

Isa-isa silang lumapit sa dalaga at iniabot nga ni Ria ang bitbit na cake saka hinipan ang dalawang kandila.

“Happy 18th birthday our gelatin. We love you,” ang maikling caption ni Sylvia sa kanyang IG video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending