2 MMDA traffic constable huli sa pangongotong
ARESTADO ang dalawang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority na humingi umano ng P10,000 sa driver ng van na kanilang hinuli dahil basag ang salamin sa likod ng sasakyan.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Bryan Paracules, 28, at Ethelbert Alagad, 28, parehong traffic constable ng MMDA.
Ayon kina Ronnie Baya at Jenrick Manalo, driver at helper, pinara sila ng mga suspek alas-11 ng umaga sa Nichols Interchange dahil basag ang rear window at marumi ang plaka ng sinasakyan nilang Toyota Commuter Hi-Ace (P5Y711).
Sa halip na bigyan ng traffic violation ticket ay in-impound umano ang sasakyan ay sinabihan ang mga biktima na magbigay ng P10,000. Kung hindi umano maibibigay ang pera bago mag-alas 3 ng hapon ay magbabayad pa ang mga ito ng dagdag na P10,000 penalty.
Tumawag ang dalawa sa kanilang amo na siyang nakipag-ugnayan sa kakilala nitong pulis at sa Southern Police District.
Nahuli ang mga suspek sa isang entrapment operation matapos tanggapin ang marked money.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.