Megan, Mikael handa na nga bang maging mommy at daddy?  | Bandera

Megan, Mikael handa na nga bang maging mommy at daddy? 

Ervin Santiago - June 18, 2020 - 06:12 PM

HINDI minamadali ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez ang magkaroon ng baby.

Pero ayon kay Mikael, handa naman siya anytime na maging tatay sa magiging first child nila ni Megan pero kung hindi pa ito darating anytime soon, okay lang din sa aktor.

Naging usap-usapan kasi ang mag-asawa sa mga litratong ipinost nila sa Instagram kamakailan kung saan may kalong-kalong silang baby.

Inakala ng ilang netizens na mommy at daddy na sina Megan at Mikael at isang family photo ang kanilang tinitingnan.

“Surpriiiiise!!!?We have an ecq baby….? A baby niece that is! it’s our family’s first baby girl,” ang caption ni Mikael sa kanyang IG post.

“Baby lucia is just too cute. Boneezy looks good with that baby as well (heart eyes emoji) #ahemahem.

“But on a more serious note, we are in no rush. Whatever happens will happen,” agad namang bawi ni Mikael kung saan gumamit pa siya ng hashtags na #WagAssumingPo, #TanongNyoSiBonezKungKelanNa at #ImAlwaysReady.

Halos ganito rin ang sagot ng mag-asawa nang tanungin namin kahapon sa digicon ng GMA via Zoom app tungkol sa kanilang baby plans. 

Ayon kay Mikael, naniniwala silang blessing ang pagkakaroon ng baby at darating ito sa kanilang buhay kung talagang panahon na.

Basta aniya, nakahanda silang mag-asawa kung anuman ang ibigay sa kanila at gagawin nila ang lahat para maging karapat-dapat sa blessing na yun.

Samantala, sa nasabi ring Zoom chat, sinabi ng Kapuso couple na ang podcast nilang #BehindRelationshipGoals ang isa sa mga bagay na nakatulong sa kanila habang naka-quarantine. 

Bukod sa nae-enjoy nila itong gawin, hindi rin daw nila inakala na marami palang makaka-relate sa mga kuwento nila bilang mag-asawa. 

Bukod dito, tuwing ginagawa raw nila ang podcast ay may mga bagay pa silang natututunan sa isa’t isa. 

Ayon kay Mikael, “Ang masaya sa podcast, may topics na hindi rin naming napag-uusapan as a couple kasi it just doesn’t come up. So when we do the podcast, may mga lumilitaw na kuwento na first time lang din naming naririnig sa isa’t isa. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So naging bagong conversation din para sa amin ni Megan. So natutuwa lang rin ako na we’ve been together for 10 years at may kuwento pa rin palang pareho naming hindi pa naririnig sa isa’t isa,” aniya pa.

Pagtatapos pa ng “Love of my Life” actor, “I think that was the surprise blessing of our podcast sa aming dalawa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending