5 rebelde patay sa engkuwentro | Bandera

5 rebelde patay sa engkuwentro

Leifbilly Begas - June 18, 2020 - 01:45 PM

NPA

LIMANG kasapi ng New People’s Army ang napatay nang makasagupa ang mga tropa ng pamahalaan sa Mabinay, Negros Oriental, kaninang madaling-araw.

Narekober ang bangkay ng mga napatay, kung saan isa ay nakilala bilang si alyas “Sayas Ribilista,” sabi ni Maj. Cenon Pancito, tagapagsalita ng Army 3rd Infantry Division.

Naganap ang engkuwentro sa Sitio Talingting, Brgy. Luyang, dakong alas-12:45.

Ayon kay Pancito, adyang nagtungo doon ang mga kawal ng 11th Infantry Battalion, 94th Infantry Battalion, at mga pulis ng Regional Mobile Force Battalion 7 at Mabinay PNP para dakpin si Ribilista, na may nakabinbing arrest warrant.

Bago ito’y inulat ng mga residente na namataan si Ribilista at isang grupo ng mga armado na nagtatago dalawang bahay sa Sitio Talingting.

Habang palapit sa mga naturang bahay ay pinaputukan ng mga armado ang mga sundalo’t pulis, kaya gumanti ang mga tropa ng pamahalaan, ani Pancito.

Tumagal nang halos 30 minuto ang palitan ng putok, bago nakubkob ang puwesto ng mga armado.

Bukod sa mga bangkay, narekober sa pinangyarihan ang tatlong M16 rifle, isang AK-47 rifle, kalibre-.45 pistola, sari-saring magazine, apat na rifle grenade, isang improvised na bomba, mga bala, at mga subersibong dokumento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending