CLAUDINE, RAYMART uunahin ang hatian ng mga ari-arian bago ang annulment | Bandera

CLAUDINE, RAYMART uunahin ang hatian ng mga ari-arian bago ang annulment

Cristy Fermin - August 17, 2013 - 03:00 AM


Puro problema ng mag-asawa ang mga kuwentong pinagpipistahan ngayon sa showbiz. Puro demandahan, puro asuntuhan, mukhang maiinit ang dugo ngayon ng magkakarelasyong personalidad.

Hindi pa man nareresolbahan ang problema nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ay susunod na agad ang kina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Ang mga tinawag na kasalan ng taon ay hindi naganap, sa hiwalayan din pala ‘yun mauuwi, maraming artista tuloy ang sumasang-ayon na lang sa pagli-live-in kesa sa pagpapakasal.

Ang pinaglalabanan nila ngayon ay ang kustodiya ng kanilang mga anak, isa’t isa’y gustong makasama ang kanilang mga supling, korte ang huhusga kung sino sa mag-asawa ang karapat-dapat mangalaga sa mga bata.

Pero lumipad na ang posibilidad na magkabalikan pa sila, ‘yun ang nakalulungkot na kuwento dahil magkasundo man sila ngayon sa paghihiraman sa kanilang mga anak ay ‘yun na ang simula ng kanilang paghihiwalay, ‘yun ang nakapanghihinayang.

Tulad na lang sa kaso nina Raymart at Claudine, talagang sa annulment na ang uwi ng kaguluhan sa kanilang pagitan ngayon, pero uunahin muna ang paghahatian nila ng mga propyedad na naipundar nila.

Mahabang proseso na ang pinagdaanan ng kanilang relasyon, sumailalim na sila sa counselling ng mga kaibigan nilang pastor, pero talagang sa tuluyan nang paghihiwalay mauuwi ang kanilang relasyon.

Kunsabagay, kesa nga naman sa magsama sila nang walang katiwasayan ay mas mabuti na ang ganito na nagkahiwalay sila nang may naiiwanan pang kahit kaunting respeto lang para sa isa’t isa, baka du’n mag-ugat ang pagiging magkaibigan pa rin nila kahit may kani-kanyang buhay na sila.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending