'Quarantine' episode ng Daddy's Gurl nina Maine at Bossing kasado na; Derrick naglalaway na sa 'pares' | Bandera

‘Quarantine’ episode ng Daddy’s Gurl nina Maine at Bossing kasado na; Derrick naglalaway na sa ‘pares’

Jun Nardo |June 11,2020
facebook
share this

‘Quarantine’ episode ng Daddy’s Gurl nina Maine at Bossing kasado na; Derrick naglalaway na sa ‘pares’

Jun Nardo - June 11, 2020 - 12:49 PM

KASADO na ngayong Sabado ang unang quarantine episode ng Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

      Bago at fresh ang episode na mapapanood ng televiewers at hindi replay, ayon sa director nitong si Chris Martinez.

Siyempre, gamit ang bagong teknolohiya, sinunod pa rin ng produksyon ang ipinatutupad na health protocols ng gobeyerno, lalo na ang social distancing, huh!

      Eh, mukhang sanay na rin naman si Meng ngayon sa “new normal” ng live show dahil nagsimula na uling mag-live ang noontime nilang Eat Bulaga.

Kasama ni Maine sa studio sina Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros habang Team Bahay pa rin ang mga senior citizen at haligi ng EB na sina Joey de Leon at Vic Sotto pati na sina Pauleen Luna, Pia Guanio, Ryan Agoncillo at mga batang Dabarkads.

      The show must go on ika nga ngayong nasa “new normal” na ang bansa para maipagpatuloy pa rin ng Kapuso noontime show ang isang libo’t isang saya at unlimited na pagbibigay ng tulong sa sambayanang Pilipino.

                                                                                             * * *

Best friend sa halip na girlfriend ang unang yayakapin ni Derrick Monasterio pagkatapos ng community quarantine.

      Pero ang una niyang kakainin pagkatapos ng general community quarantine sa Metro Manila ay ang favorite niyang “pares” mula sa original pares house!

      Habang naka-lockdown ng halos tatlong buwan, na-realize ng Kapuso hunk ang halaga ng disiplina pati na ang pagiging positibo sa kabila ng kanegahan sa mundo. Mas na-appreciate  pa raw niya ngayon ang buhay dahil sa kinakaharap na pandemya ng buong mundo.

Kung sakali namang magbalik-trabaho na siya, “Magbabaon ako palagi ng alcohol at magsusuot ng face mask. Kailangan mas triple ang gawin nating pag-iingat kapag lumabas na tayo at makapagtrabaho sa new normal.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending