Pagpapautang sa maliliit na negosyo hindi marinig | Bandera

Pagpapautang sa maliliit na negosyo hindi marinig

Leifbilly Begas - June 10, 2020 - 08:07 PM

UMAPELA ang mga kongresista sa Small Business Corporation (SBC) na lakasan ang panawagan nito kaugnay ng pagpapautang sa micro and small enterprises (MSEs) na naapektuhan ng coronavirus disease 2019.

Sa virtual hearing ng House committee on Micro, Small and Medium Enterprises Development, sinabi ni Frank Gonzaga, group head ng SBC, mayroon itong P1 bilyong pondo sa ilalim ng Enterprise Rehabilitation Financing facility for COVID-affected MSEs.

Ayon kay Gonzaga umabot na sa 10,137 ang bilang ng mga nagtanong kaugnay ng kanilang pagpapautang.

Sa bilang na ito 7,333 aplikante ang nagproseso na ng aplikasyon at 287 sa mga ito ang naaprubahan na. May 12 naman na nabigyan na ng pautang.

Nagtataka naman si Manila Teachers Rep. Virgilio Lacson, chairman ng komite, kung bakit malayo ang bilang ng mga nagtanong sa bilang ng mga nag-apply.

“Ang nakikita kong problema, nandoon yung punto. Kulang sa dissemination campaign and yung manpower niyo is very limited kasi kita naman sa data,” ani Lacson.

Dagdag naman ni House Deputy Speaker Deogracias Savellano wala itong naririnig na kampanya kaugnay ng pagpapautang.

“I noticed na walang nagkakampanya for this program. So yung mga small enterprise natin, sariling sikap. You have online, but ang problem with online, karamihan ng MSMEs natin na nasa probinsya, lalo na yung matatanda, wala silang online. So sana ay mag-reach out tayo,” ani Savellano.

Sang-ayon naman si Gonzaga sa panukala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending