ISANG sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Maynila kaninang umaga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Manila, ang sunog ay nagsimula sa ikalawang palapag ng bahay ng ni Bryan Pineda sa 513 Valencia st., Sampaloc, Brgy. 434 Zone 44, District 4 alas-8:44 ng umaga.
Mabilis na napigilan ng mga bumbero na kumalat ang apoy at naapula ito alas-9:16 ng umaga.
Anim na pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending