Jaclyn kay Pinky: How dare you! Kaya wala nang nagtitiwala sa mga artista dahil sa tulad mo! | Bandera

Jaclyn kay Pinky: How dare you! Kaya wala nang nagtitiwala sa mga artista dahil sa tulad mo!

Ervin Santiago - June 10, 2020 - 02:06 PM

Pinky-Jaclyn

NAKATIKIM ng maaanghang na salita mula kay Jaclyn Jose ang kontrobersyal na aktres na si Pinky Amador na nagwala sa loob ng condotel sa Makati City.

Hindi rin pabor si Jaclyn sa ginawang paninigaw at pagmumura ng kanyang kapwa aktres sa staff ng tinitirhan niyang condotel na nakunan nga ng video ng isang saksi at pinakalat sa social media.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Jaclyn na kahit saang anggulo tingnan ay maling-mali ang pagtrato ng Pinky sa mga empletado ng building na itinuturing ding mga frontliners ngayong panahon ng pandemya.

Ayon pa sa veteran actress, siguradong matindi ang nararanasang emotional trauma ngayon ng mga taong pinagmumura niya.

Narito ang ilang bahagi ng IG post ni Jaclyn: “To Ms. Amador, ‘wag naman po ganun. Paano po ang mga kapatid, asawa, at iba pang lahi ng taong minura niyo?

“Habang buhay nilang dadalhin ang pang lalait niyo. Media at Instagram lang ang laban nila.”

Patuloy pa niya, “Do not persecute ‘yung naglabas ng video kasi nanakot po kayo na saktan niyo. Sila, video lang ang kakampi.

“Frontliners po sila na hindi niyo alam kung paano sila nakarating sa trabaho. Three weeks lockdown ‘di po ba?

“Kinaladkad mo mga artista kaya wala na nagtitiwala sa atin dahil sa mga katulad mo. Dinadamay niyo kami na may puso sa katulad ng mga tao na ito.

“Magpasalamat ka na lang at pumapasok pa sila sa kabila ng COVID,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng kanyang IG post, talagang hindi na napigilan ng aktres ang kanyang emosyon at galit dahil sa ginawa ni Pinky.

“How dare you! This is my people na nagsisilbi. Alam mo ba ang pinadadaanan nila just to get to work? Maglalakad, nakikipagsapalaran kung ano puwede masakyan. Tapos mumurahin mo mula ulo na parang nabili mo?

“Ikaw ang gaga! Tanga! Mag-mask ka at mag-gloves ka… or yet stay in your home!”

Nag-sorry na si Pinky sa kanyang nagawa pero nanindigan siya na ginawa lang niya ang dapat gawin para sa kaligtasan ng lahat ng nakatira sa nasabing condotel.

 “The residents were not notified about the designation, not the influx of these returning Filipinos, and that was a cause for alarm not just for me but for all the residents.

“As of 04 May 2020, the administration did not send any notice about the incident, issue any safety COVID-19-related protocols, and delayed disseminating any information to residents thus risking everyone’s safety in the building.”

Ipinagdiinan din niya na ang pagbi-video sa kanta at pagpapakalat nito sa social media ay “malicious, vengeful, and a violation of the anti-wire tapping act.

 “Being responsible means being responsible for everyone, not just yourself, but also others.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am not perfect, far from it. Under these stressful times, when pushed to the limit, how far will you go to protect your loved ones? Sa mga nasaktan ko, I am truly sorry, pero ipinaglaban ko lang ang karapatan natin mabuhay ng ligtas sa sakit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending