Megan, Mikael na-shock nang makita ang bill ng online games sa credit card
AMINADO ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young na malaking parte ng kanilang buhay-mag-asawa ang pagkahilig nila sa online games.
Sa podcast nilang #BehindRelationshipGoals, tinalakay nina Mikael at Megan kung tama nga ba na pagkagastusan ang paglalaro ng online games.
Inamin man ng Kapuso couple na gumagastos sila pagdating sa kanilang gaming hobby, mainam na alam ng gaming enthusiasts kung hanggang saan lang ang hangganan nang paglalabas ng pera para rito.
Pagbabahagi ni Megan, natututunan nila ito ni Mikael sa tila “masakit” na paraan nang makita nila ang kanilang credit card bill.
“It was a moment of me being irresponsible and not disciplined at all. But when I told her, she put me in my place. She told me, ‘You can’t do this. So you have to fix it.
“It was nice hearing that but I could only hear that if I was honest with her,” ani Mikael.
Importante raw ang maging tapat pagdating sa lahat ng bagay upang maiwasan ang miscommunication sa pagitan ng mag-asawa.
Samantala, habang hindi pa rin napapanood si Mikael sa GMA series na “Love of my Life”, maaaring tutukan sila ni Megan sa YouTube channel ng aktor o sa kanilang YouTube channel na Megan & Mikael Podcast.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.