SINUNDO ng Philippine Coast Guard ang 19 na locally stranded individuals (LSIs) upang maihanda ang mga ito sa pag-uwi sa Mindanao.
Ang 19 na LSIs, ay isinailalim sa rapid testing para sa coronavirus disease 2019 ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Sa mga ito 16 ang bahagi ng 30 papunta ng Mindanao na nasa listahan ng PCG at tatlo ang walk-ins na nais mapabilang sa Hatid Probinsya Program.
Matapos ang rapid testing ay isasakay ang mga ito sa MMOV 5001 na barko ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Pier 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.