Heart mamimigay ng tablet sa mga estudyante para sa online classes
MAMIMIGAY ang Kapuso actress na si Heart Evangelista ng mga tablet sa mga estudyanteng walang pambili nito.
Isa ang gadget na ito sa mga kakailanganin ng mag-aaral kapag nagsimula na ang online classes bilang bahagi ng “new normal” sa panahon ng pandemya.
May rekomendasyon kasi ang Department of Education na gamitin muna ang “blended/distance learning approach” sa darating na school year kung saan kabilang nga ang pagsasagawa ng online classes gamit ang laptop, tablet at cellphones.
Ibinalita ito ni Heart sa kanyang Twitter account. Aniya, “I heard having a tablet or computer is a requirement for online classes so I will do the best I can
“I’m sorry I can’t help everyone but I will try to help as much as I can.”
Ilang sandali lang matapos mag-tweet ang aktres, sunud-sunod na ang reply at mensahe sa kanya ng mga netizens na umaasang mapapasama sila sa masusuwerteng mabibigyan ng tablet.
Ayon kay Heart, dapat mag-send ng kanilang direct message sa kanyang Instagram ang mga ito. Baka raw kasi matabunan at mahirapan siyang mabasa ang mga may kapansanang tinutulungan niya sa pamamagitan ng Twitter.
Chika ni Heart, “I will be personally messaging each one… please bare with me because 2 Lang kami ang gagawa nito.”
Sa kabila naman ng ginagawang pagtulong ni Heart ngayong may health crisis, may mga tao pa ring patuloy na nangnenega sa kanya. Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato nila sa Kapuso star.
Ngunit sa halip na gantihan, iniintindi na lang ni Heart ang mga ito lalo na ngayong patindi nang patindi ang pagiging”toxic” at kanegahan sa social media.
“The world is already suffering so much and as I educate myself more and gather my thoughts about what I would like to share with my followers I don’t need any kind of hate and negativity to add up to it all.
“Nobody needs that now. My advise? Open your heart angel,” aniya.
Ito naman ang isa pang sagot niya sa isang basher, “Can’t win them all dear … just don’t hurt me…It’s fine if you don’t like me.”
Dugtong pa niyang mensahe, “I didn’t do anything. I am and everyone else who helps are just instruments of God.
“God doesn’t give you extra sparkle in life for you to shine. He gives that sparkle for you to share.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.