Competitive bidding sa P4.9B pneumonia vaccine kailangan | Bandera

Competitive bidding sa P4.9B pneumonia vaccine kailangan

Leifbilly Begas - June 05, 2020 - 08:59 AM

Kamara

KAILANGAN umanong magsagawa ang competitive bidding sa pagbili ng P4.9 bilyong gamot laban sa pneumonia.

Ayon kay House committee on health chairwoman Angelina Tan ito ang pinakamalaking pagbili ng pneumococcal conjugate vaccines (PCVs) sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa kabuuang budget ng Department of Health para sa Expanded Program for Immunization ng mga bata, sa PCV mapupunta ang 70 porsyento ng bakuna.

Sinabi ni Tan na sa isasagawang bidding dapat ang specification ng bibilhin ay hindi pumapabor sa partikular na brand o kompanya.

Ang PCV ay panlaban sa Invasive Pneumococcal Diseases (IPDs), ang pinakamalaking sanhi ng pagkamatay ng mga batang Filipino na edad lima pababa.

Noong nakaraang taon ay inihinto ng DoH ang bidding ng PCV matapos lumabas ang mga bagong resulta ng pag-aaral kaugnay ng PCV10 at PCV13 na pangunahing klase ng gamot laban sa pneumonia na nasa merkado.

“Nung lumabas ang bagong ebidensiya na sinubmit sa atin, ang desisyon namin ay ipasok muna sa Health Technology Assessment Center (HTAC). HTAC is reviewing the procurement, which is really the right process. Ngayon po hindi pa lumalabas ang recommendation ng HTAC,” ani Health Undersecretary Dr. Ma. Rosario Vergeire.

Iginiit ni Vergeire na hindi itinigil ang programa kundi kailangan lamang itong pag-aralan muli ng HTAC upang matiyak na tama ang gagawing pagbili ng DoH.

Ang review ng HTAC sa National Immunization Program (NIP), partikular sa Pneumococcal Vaccination Program ay base sa 2017 at 2019 evidence na inilabas ng World Health Organization (WHO).

“Talagang mahal po yung bakuna. Matagal na naming pinag-aralan yan, late last year pa. Kaya nga po ay humingi na ng tulong sa HTAC. We wanted to know if we are being cost-effective. Lalo na meron na tayong pangangailangan sa mga ibang bakuna. Kailangan na talagang pag-aralan ang gastusin sa vaccine,” dagdag pa ng DoH official.

Noong 2019, sinabi ng WHO na maituturing na pantay ang bisa ng dalawang PCV sa paglaban sa overall pneumococcal diseases sa mga bata children. Wala umanong sapat na batayan upang masabi na magkalayo ang net impact ng dalawang PCV.

“According to the WHO, when it comes to pneumococcal vaccination for children, both PCV10 and PCV13 are just as good. The important thing is cost-effectiveness,” Bravo noted. “We should follow what the WHO says, being experts in their field. If you cannot believe WHO, who will you believe?” ani Dr. Lulu Bravo, isang epidemiologist at professor sa Pediatric Infectious and Tropical Diseases sa College of Medicine ng UP Manila.

Ayon naman sa epidemiologist na si Dr. Troy Gepte tama ang ginawa ng DoH na ipagawa ang HTAC review bago ituloy ang programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It is something that we need to undergo so we can have a more objective way of determining both the effectiveness and cost-effectiveness of any medicine, vaccine, product or procedure that goes through our medical system,” saad ni Gepte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending