117 COVID patient lumahok sa solidarity trial para sa Remdesivir
MAY 117 coronavirus disease 2019 patient sa bansa na sumali sa World Health Organization Solidarity Trial para sa gamot na Remdesivir.
Ang mga pasyente ay nasa 14 na ospital sa National Capital Region at isa sa Davao.
Ikinatuwa ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes ang paglahok ng Department of Health at Inter-Agency Task Force on New and Infectious Diseases sa trial test ng WHO.
“Until a vaccine is created for Covid19, we will continue to be at the mercy of this disease. According to experts, Covid-19 vaccine is one to two years away. Matagal pang panahon. In the meantime, we have silver linings, we have small victories,” ani
Batay sa datos ang Pilipinas ang may pinakamataas na fatality rate sa nabanggit na sakit sa ASEAN region. Naitala ito sa 6.64 porsyento mas mataas na 2.34 porsyentong average sa rehiyon.
Ang Pilipinas rin ang may pinakamabagal na recovery rate na nasa 20.82 porsyento lamang malayo sa ASEAN average na 37 porsyento.
Ang global average recovery rate ay 38.1 porsyento at ang fatality rate ay 6.65 porsyento.
Sa isang privilege speech sinabi ni Robes na kasama ng Pilipinas sa trial ng Remdesivir ang United States, Japan at South Korea.
Apat na treatment options ang pinag-aaralan sa WHO Solidarity Trial.
Nauna ng ginamit ang Remdesivir sa pag-aaral ng United States National Institute of Allergy and Infectious Diseases at lumabas na bumaba sa 11 araw ang recovery rate ng mga pasyente samantalang ang mga hindi binigyan nito ay 15 araw.
Sa mga ginamitan ng Remdesivir walong porsyento ang namatay at 11 porsyento naman sa hindi.
“The study showed patients who took Remdesivir recovered faster than patients who did not. The drug improved recovery time for coronavirus patients to 11 days from 15. The reduction of 4 days in the hospitalization period is significant according to scientists because it will reduce the burden the disease imposes on hospitals,” ani Robes.
Ang Remdesivir ay gawa ng Gilead, isang California, USA-based pharmaceutical company.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.