Mikael, Megan nagsinungaling sa isa't isa; portrait ni Carla pina-auction para sa mga askal | Bandera

Mikael, Megan nagsinungaling sa isa’t isa; portrait ni Carla pina-auction para sa mga askal

Ervin Santiago - June 04, 2020 - 08:14 AM

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young na nagsinungaling na sila sa isa’t isa. 

Sa latest podcast ng mag-asawa, naikuwento nila sa kanilang fans and viewers ang mga pagkakataong hindi sila naging honest sa bawat isa bilang mag-partner in life.

Sa kanilang latest video vlog, ibinahagi ni Megan ang isang example ng nasabi niyang “white lie”.

Mayroon daw siyang dapat i-message na tao bilang part ng to-do list niya pero nakalimutan niyang gawin. 

Nang tanungin ni Mikael kung nagawa niya, sinabi niyang “oo” kahit hindi pa. 

Pag-amin naman ni Mikael, ayaw raw niya ang pagiging procrastinator ni Megan, isa ito sa ugali ng Kapuso actress-beauty queen na hindi niya masyadong bet.

Pero bawi naman ni Mikael, napapansin daw niyang hindi na ito masyadong ginagawa ni Megan at mas naging honest na ito.

                           * * *

Isa ang Kapuso star na si Carla Abellana sa mga kilalang animal advocate sa bansa. 

Bilang parte ng online fundraising exhibit na LIKHA ng street artist na si Venazir Martinez, pinapa-auction ngayon ang portrait ni Carla kung saan mapapansin ang iba’t ibang aso na nakapalibot sa kanya.

 Sa Instagram, ibinahagi ni Carla na ang naturang portrait ay open for auction mula June 1 hanggang June 14. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lahat ng malilikom na pondo mula sa LIKHA exhibit ng Kulture Studio ay mapupunta sa stray animals na sinusuportahan ng Pawssion Project Foundation at sa ating magigiting na frontliners sa tulong ng Aid For Frontliners.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Carla sa rerun ng critically-acclaimed drama series na “My Husband’s Lover” kasama sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Ito ay pansamantalang pumalit sa pinagbibidahan ding serye ng TomCar na “Love Of My Life” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending