ARESTADO ang dalawang lalaki na nahulihan umano ng P340,000 halaga ng shabu sa Quezon City kahapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Jeffrey Sabuga, 34, ng Brgy. Old Balara at Jamil Maruhom, 28, ng Brgy. Holy Spirit.
Isang poseur buyer umano ang nakabili ng P21,000 halaga ng shabu sa mga suspek alas-4 ng hapon sa Congressional Ave. Extension, Brgy. Pasong Tamo.
Nang maaresto ay nasamsam umano sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending