SINIMULAN na ang pagtatayo ng Tondominum, isang housing project sa Tondo, Maynila.
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang groundbreaking ceremony na hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon ng Tondominium 1 at 2 sa Vitas, Tondo district.
Ang dalawang gusali ay nagkakahalaga ng halos P1 bilyon.
Ang Tondo ang isa sa lugar na may pinakamalaki ang populasyon sa lungsod.
Ang bawat gusali ay may 15 palapag at itatayo sa loob ng dalawang taon.
Ang bawat palapag ay may laking 662.4 metro kuwadrado at bawat pamilya ay bibigyan ng 44 metro kuwadradong unit. Magkakasya rito ang 336 pamilya.
Bukod sa Tondominium, ang lokal na pamahalaan ay mayroon ding Binondominium.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.