Donasyon para sa online benefit concert matumal na; Kapamilya stars problemado pa rin | Bandera

Donasyon para sa online benefit concert matumal na; Kapamilya stars problemado pa rin

Cristy Fermin |June 02,2020
facebook
share this

Donasyon para sa online benefit concert matumal na; Kapamilya stars problemado pa rin

Cristy Fermin - June 02, 2020 - 10:38 AM

Coco

NAGING abala ang maraming performers natin sa on-line concert. 

Kabi-kabila ang palabas na ang kinikita ay ipinangtutulong sa ating mga frontliners.

    Nakasuwerteng makauna ang iba, pero ang mga nahuli sa pagkilos ay hindi na masyadong nakalikom nang malaking halaga, ganu’n nga yata talaga ang kalakaran.

    Sa una lang mainit ang pagsuporta, pero kapag nagkatusak na ay wala nang interes ang iba, bumibitiw na sila.

    Problemado pa rin ang mga artista ng ABS-CBN, nakalutang pa rin sa hangin ang kanilang pag-asang makapagbukas uli ang kanilang network, ngayon pa lang inuupuan ang usapin tungkol sa prangkisa ng istasyon.

    Babalik na ang “Ang Probinsyano” ni Coco Martin pero hindi naman malawakang mapapanood ‘yun dahil sa Jeepney TV lang muna ipalalabas.

    Napakasaklap ng nangyari para sa mga artista at empleyado ng ABS-CBN. 

Pagkatapos ng lockdown ay may binalikan pa ang mga manggagawang Pinoy pero sila ay namamana pa ngayon sa dilim.

    Tama lang ang kanilang ginagawa na maging abala muna sa iba-ibang paraan sa social media. 

Para hindi sila makalimutan ng publiko. Mahirap na nga naman ‘yung nananahimik lang sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    Dalawang bagay ‘yun. Ang sobrang ma-miss sila ng ating mga kababayan o ang tuluyan na silang makalimutan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending