Kilalang male star bagsak-presyo sa pagbebenta ng katawan dahil sa lockdown | Bandera

Kilalang male star bagsak-presyo sa pagbebenta ng katawan dahil sa lockdown

Cristy Fermin - June 02, 2020 - 10:28 AM

KUNG mas tumataas pa ngayon ang bilang ng mga kababayan nating positibo sa corona virus ay kabaligtaran naman ang kuwento ng aming source sa pagbababa ng presyo ng mga personalidad na lumilinya sa pagbebenta ng karneng buhay.

    Isang Boogie Wonderland ang naging in-demand sa panahon ng lockdown. 

Paggising pa lang niya ay maraming text na ang kanyang tinatanggap na galing sa mga dati nitong kliyente sa mabilisang trabahong pagkakaperahan.

    Sabi ng isang source, “Ngayon nila naisip na mahirap palang walang naiipon. One week pa lang ang lockdown, hindi na nila alam kung ano ang gagawin nila!

    “Wala silang raket, tigil ang lahat ng taping at shooting, paano na ang mga pamilya nila? So, ano pa nga ba ang makasasagot sa pangangailangan nila kundi ang mabilisang pagkakakitaan?

    “‘Yung friend kong matchmaker, abalang-abala sa raket! Siya ang nilalapitan, hindi siya ang naghahanap!” unang kuwento ng aming source.

    May kuwento tungkol kay Male Personality A na dati nang alam ng marami na gumagawa ng milagro para sa kanyang kabuhayan showcase.

    Ayon sa source, “Maarte ‘yun dati, kung makapagtaas siya ng presyo, e, parang binibili na siya ng becki! Pero nitong lockdown, hindi siya makahirit!

    “Kung anong presyo ang kaya ng parukyano niya, e, go na rin, kesa naman sa wala siyang datung! Kinakagat niya na kahit mas mababa sa dati niyang presyo dahil wala siyang choice!

    “Una, hindi na siya bagets para pagkaguluhan ng mga becki, hindi na siya masyadong fresh, kumbaga. At sa true lang, kalat na rin naman sa merkado ng karnehan na hindi naman siya taga-Dakota Harrison!

    “Ayan, kasi naman, kapag marami siyang datung, e, kung anu-ano ang ginagawa niya! Hindi siya nagdodroga, pero magastos din ang bisyo niya, sugal!” nakataas ang kilay na kuwento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending