Kathryn sa panliligaw ni Daniel: Grabe! Ipaparamdam niyang ikaw ang pinakaespesyal na babae  | Bandera

Kathryn sa panliligaw ni Daniel: Grabe! Ipaparamdam niyang ikaw ang pinakaespesyal na babae 

Julie Bonifacio |June 01,2020
facebook
share this

Kathryn sa panliligaw ni Daniel: Grabe! Ipaparamdam niyang ikaw ang pinakaespesyal na babae 

Julie Bonifacio - June 01, 2020 - 08:59 AM

NAG-CELEBRATE na ng ikawalong anibersaryo ang pinakamainit na labtim sa showbiz sa harap at likod ng kamera na sina Kathryn  Bernardo at Daniel Padilla. 

  Sa  online show na “I Feel U” hosted by Toni Gonzaga, sabay na nag-guest sina Kathryn at Daniel.  Kasama rin ni Toni sa show ang kapatid na si Alex Gonzaga bilang guest co-host.

   Kaugnay ng kanilang ikawalong anibersaryo, muling inalala ang simula ng kanilang matagumpay na tambalan. 

   Ayon kay Kathryn, una silang nagkita ni Daniel sa “It’s Showtime.” Sumasayaw noon si Daniel kasama ang cast ng “Gimik” habang si Kathryn naman ay nag-guest sa noontime show ng Kapamilya network with Joshua Dionisio.

   Until they were formally introduced  noong isinama na si Daniel sa “Growing Up” noong 2012.

     Habang  magkasama sa “Growing Up” doon na raw nagsimulang ma-develop ang feelings nila para sa isa’t isa.

   “Siyempre, kapag araw-araw mong kasama yung tao, siyempre may hidden ano na ako sa kanya, hidden na pagtingin. So, eventually,  you look forward. Ganoon na yung iniisip ko sa trabaho, looking forward ka na. Makakapanligaw ka na naman. Alam mo ‘yun,” pahayag ni Daniel.

    Tinanong naman ni Alex si Kathryn kung kailan niya naisip na seryosohan na ang relasyon  nila ni  Daniel, “Naramdaman ko yun noong naging consistent siya sa pagpunta sa bahay. As in, old school. Niligawan din niya si Mama. Tapos, tuluy-tuloy yon. Parang one year, nararamdaman mo na sincere  ‘yung tao. So, yun, tinanong ko si Mama, mukhang okey naman sa kanya,”  tugon ni Kathryn

  Follow-up ni Alex kay Kathryn kung nagsabi ba sa kanya si Daniel ng, “Will you be my girlfriend?”

    “May ganoon ba? Ay, nagtanong kasi si DJ noon. Hindi ko siya agad sinagot. Tapos, nu’ng biglang sa tingin ko okey na siya, ‘Yes na.’ Yun na yung naging sagot ko.  Doon na nag-start . Yun na yung sagot ko doon pagka-pack-up ng taping namin. Ha-hahaha,” kuwento ng dalaga.

     Dugtong naman ni Daniel, “Balik tayo sa kwento ni Kathryn na, ‘O, yes na.’  Alam ko naman na yun na ang ibig sabihin niya, e. Pero (sabi ko), ‘Yes, ano?’ May ganoon pa (ako), e. Ha-hahaha!”

    Habang si Daniel naman daw ay sinikreto muna ang pagsagot sa kanya ni Kathryn ng yesx kahit na sa kanyang Momshie na si Karla Estrada.

    “Hindi ko sinabi.  Inangkin ko muna. Parang hindi ko naman officially nasabi dahil naiilang ako. Kaya hindi pa niya talaga alam,” natatawang sabi ni Daniel.

    When asked kung paano naman napa-yes si Kathryn kay Daniel,  “Grabe,” kinikilig na sagot ni Kathryn. “Pag niligawan ka ni DJ mararamdaman mo talaga. Ipapa-feel niya sa yo na ikaw yung pinakaespesyal na babae sa kanya. Makikita mo kung paano ka alagaan pag sa taping. Tapos, parati siyang nagte-text. Consistent siya  diyan.  So, isa yun.  Nararamdaman ko kung gaano siya ka-caring.”

   Siyempre, sa  lahat ng relasyon hindi naman nawawala ang tampuhan o away kahit gaano pa  nila kamahal ang isa’t isa.

    “Dumaan kami diyan sa point na yan. Hindi ko alam kung ika-fourth  o ika-third year yung una.  Tapos, ika-seventh year, ibang isyu naman yon. Totoo siya.  So, dumaan and, parang darating yun sa relationship kasi mag-e-eight years na kami. Tapos may darating na problema talaga na magta-touch sa inyong dalawa. So, doon  na-test,” paliwanag ni Kathryn.

 

    Samantala, inamin ni Daniel na  nagkikita pa rin sila  ni Kathryn  sa kabila ng  lockdown.  

        “Nagkikita-kita naman  kami paminsan-minsan. Kapag ako ang nagdadala ng mga supply  sa bahay niya,”  lahad ni Daniel.

      Siya raw muna ang personal driver at boy nina Kathryn sa bahay during the  lockdown.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                     

  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending