Daniel 'old school' ang panliligaw kay Kathryn: Ang love kailangang alagaan, parang halaman | Bandera

Daniel ‘old school’ ang panliligaw kay Kathryn: Ang love kailangang alagaan, parang halaman

Ervin Santiago |May 31,2020
facebook
share this

Daniel ‘old school’ ang panliligaw kay Kathryn: Ang love kailangang alagaan, parang halaman

Ervin Santiago - May 31, 2020 - 05:06 PM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

“OLD school” din ang ginawang panliligaw ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo.

Walong taon nang magkarelasyon ngayon ang Kapamilya couple at mukhang sa simbahan na rin matutuloy ang kanilang pagmamahalan matapos nilang aminin na pinag-uusapan na rin nila ang kanilang future.

Sa panayam ng “I Feel U”, binalikan nina Kath at DJ ang una nilang pagkikita sa “It’s Showtime” ilang taon na ang nakararaan.

“Hindi pa kami formally introduced sa isa’t isa noon. So nagkita lang talaga. Sumasayaw pa si DJ noon. Kasama niya yung ‘Gimik’ cast, tapos ako, kasama ko si John Manalo. 

“Pero yung formally na nag-meet kami, yun na yung kina-cast siya for ‘Growing Up’ na,” pahayag ni Daniel na excited daw talagang magtrabaho noon dahil kay Kath.

“Siyempre araw-araw mo kasama yung tao. May hidden na akong pagtingin sa kanya. Eventually, you look forward sa every trabaho. Kapag pupunta ako sa trabaho, kasama na rin yung ano kaya ang mangyayari today, ano naman kaya si Kathryn ngayon,” pahayag ng tinaguriang King of Hearts.

Sa tanong kung kailan nila na-feel ni Daniel na itaas na sa next level ang kanilang friendship, “Naramdaman ko yun nung naging consistent siya sa pagpunta sa bahay. 

“Old school. Niligawan din niya si Mama. Tuloy-tuloy yon, parang one year siya. Naramdaman ko na sincere yung tao. Tinanong ko si Mama. And then mukhang okay naman sa kanya, so nag-Yes ako,” sey ng dalaga.

Pero aminado naman ang KathNiel na may mga panahong tine-test din ang kanilang pagsasama. Ani Kath, “Of course, just like any other relationships, dumaan kami sa point na parang gusto na naming sumuko.

“Hindi ko alam, third year or fourth year yung una, tapos yung seventh year, yung seven-year itch. Ibang issue naman yun. Parang dadating yun sa relationship. Mag-eight years na kami, tapos may mga dadating na problema talaga na magte-test sa inyong dalawa,” sabi pa ni Kath.

Chika naman ni DJ, “Marami na kaming away ni Kathryn na talagang away din talaga. Sa parte ko, meron na akong pagkakataon ko, nang tumalikod at umalis. Pero tatalikod man ako, after five minutes, babalik din ako.” 

Ayon pa kay DJ, sa ilang beses nilang pag-aaway ni Kath, palagi rin naman siyang bumabalik sa dalaga para ipaglaban ang kanilang relasyon.

“Ang love kasi sa akin, kailangan ko siyang alagaan. You have to let it grow. Para siyang halaman. Kailangan mo siyang mahalin. Hindi ko siya kayang talikuran at baka wala na akong makuhang pag-ibig na ganito ulit,” pahayag ng aktor.

Ano ang sikreto ng kanilang matibay na pagsasama? “Huwag mainitin ang ulo kasi hindi madadaan ang mga usapan sa galit. Laging dapat klaro ka, hindi pwedeng ang taas mo agad lagi. 

“Yun ang nakita kong problema ko noon kapag nag-aaway kami ni Kathryn. Kapag mas malakas ang boses ko, baka mas manalo ako. Parang may ganun, na para sa akin ngayon, na-realize ko na mali pala yung ganun. Hindi dapat ganu’n,” ayon kay DJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa akin, yung respeto. Sobra yun. Nate-test yan kapag galit tayo. Pwede kang magsalita ng kung anu-ano na mao-offend mo yung partner mo, or alam mo na mapipikon siya. So ang laking bagay na nirerespeto niyo ang isa’t isa,” sey naman ni Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending