“HAPPY birthday, I love you.”
Ganito ang naging pagbati ni Pangulong Duterte sa anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nagdiriwang ngayong araw ng kanyang ika-42 kaarawan.
Sa video message, pinaalahanan ni Duterte si Sara na maging tapat sa bansa at magserbisyo nang maayos.
“Be true to your country. Work hard for the people. And the rewards I think are there, made in heaven, not here. Trabaho ka lang and be good,” ayon sa Pangulo.
Isiniwalat din ni Duterte na nahulaan na niyang magiging alkalde ng Davao City si Sara.
Sinabi umano niya ito sa dating asawang si Elizabeth Zimmerman noong sanggol pa lamang ang kanilang anak.
Samantala, marami ang nagtataka kung bakit wala nang laman ang Instagram account ng alkalde.
Wala namang abiso si Sara kung siya mismo ang nagtanggal ng mga larawan o na-hack ang kanyang account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.