WALANG kabang naipasok ni Bobby Ray Parks ang dalawang clutch free throws para tulungan ang National University Bulldogs na maungusan ang Far Eastern University Tamaraws, 59-58, at ipalasap dito ang unang pagkatalo sa pagbubukas ng second round ng UAAP Season 76 senior basketball tournament na ginanap kahapon sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Si Gelo Alolino ang nanguna para sa Bulldogs sa kinamadang 13 puntos habang si Parks ay nag-ambag lamang ng pitong puntos.
Nanatili pa rin sa itaas ng team standings ang FEU sa 7-1 karta habang nakuha ng NU ang solong ikalawang puwesto sa kartadang 5-3.
Sa unang laro, nakapagbuslo ng game-winning off-balanced jumper si Almond Vosotros may 1.8 segundo ang nalalabi sa laro para tulungan ang De La Salle University Green Archers na masilat ang Adamson University Soaring Falcons, 70-69.
Ginawang game-winning shot ni Vosotros ang sablay na tira ni Norbert Torres para umangat ang kartada ng Green Archers sa 4-4. Ang Falcons ay nahulog naman sa 3-5 karta.
Si Vosotros ay nagtala ng 19 puntos para pangunahan ang La Salle.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.