Basher minura si Carla, GMA binantaan: Mga salot! Wala kayong kwenta! | Bandera

Basher minura si Carla, GMA binantaan: Mga salot! Wala kayong kwenta!

Ervin Santiago - May 26, 2020 - 01:59 PM

CARLA ABELLANA

GALIT na galit ang isang netizen sa mensaheng ipinadala niya kay Carla Abellana sa pamamagitan ng private message.

Inakusahan niya ang dalaga at ang lahat ng Kapuso stars pati na ang GMA 7 na manloloko at mga wala raw pinag-aralan.

Nais ng nasabing netizen na nagpakilalang isang “Kapamilya” na  maipasara rin ang Kapuso Network tulad ng nangyari sa ABS-CBN. Ipinost ni Carla sa Instagram Stories ang akusasyon at pagbabanta ng hater.

Sabi ng matapang na basher, “Mga ulul kayo! Mga salot na Kapuso! Mga walang pinag-aralan at manloloko kayong lahat.

“Sana mapasara din kayo para magbunyi din kaming mga kapamilya. Damay-damay na ‘to. Wala kayong kwenta. Mga bobo kayo! Tanga! Walang pinag-aralan! Pasabugin sana kayo mga hayup kayo! F*ck you all,” aniya pa.

Ngunit sa halip na patulan at gantihan din ng mura ang netizen, inunawa na lamang siya ng Kapuso actress.

Caption ni Carla sa kanyang Instagram Story, “So much hostility for the morning.

“I know he only wants attention and he doesn’t mean it at all, but I can’t help but feel so sad for people like him.”

Maraming beses na ring nabiktima ng pambu-bully at pambabastos ang girlfriend ni Tom Rodriguez sa social media pero hangga’t kaya ay hindi na sila pinapatulan nito.

Tulad na lang nitong nakaraang linggo, may ipinost si Carla na litrato sa IG kung saan isang netizen ang nag-comment ng, “Nu’ng ‘di ka pa lumba lumba.”

Sinagot siya ni Carla ng, “Yes!” with matching smiling emoji.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, mismong ang aktres ang nagkuwento na nagkaroon siya ng hypothyroidism, liver damage at tachycardia (rapid heart rate). Dahil sa gamot na ipinaimon sa kanya ng doktor,  biglang lumobo ang kanyang timbang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending