Clint Bondad ginawa ang lahat-lahat para balikan ni Catriona, pero... | Bandera

Clint Bondad ginawa ang lahat-lahat para balikan ni Catriona, pero…

Cristy Fermin |May 26,2020
facebook
share this

Clint Bondad ginawa ang lahat-lahat para balikan ni Catriona, pero…

Cristy Fermin - May 26, 2020 - 12:33 PM

SA napakaligayang pag-amin ni Sam Milby tungkol sa tunay na relasyon nila ni Catriona Gray ay ang dating boyfriend naman siguro ng beauty queen ang pinakamalungkot na lalaki sa mundo.

    Matagal silang naging magkarelasyon ni Catriona, siya ang kasama-sama ng dalaga sa lahat ng laban nito matalo man o manalo, pero ngayon ay tapos na ang yugto ng kanilang pagmamahalan.

    May iba nang mahal ang kanyang dating reyna, maligaya na ito sa piling ni Sam Milby, walang makapipigil kay Clint Bondad sa paglalabas ng kanyang saloobin ngayon sa social media.

    Tumatawid ang kanyang emosyon sa publiko, lalo na nang alalahanin niya ang mga panahong silang dalawa ang magkahawak-kamay sa hirap at ginhawa, pero ngayon ay tinatanaw niya na lang nang malayuan ang kanyang dating girlfriend.

    Walang paninira kay Catriona si Clint, panghihinayang lang, dahil alam daw ni Catriona na ginawa niya ang lahat-lahat para muling mabuo ang kanilang relasyon.

    Ganu’n talaga ang buhay, walang forever, sabi nga. 

Maligaya na ngayon ang beauty queen kay Sam Milby, kaya talagang wala nang ibang magagawa si Clint Bondad kundi ang tanawin na lang nang malayuan ang babaeng nakasama niya sa kaligayahan nang maraming taon, nakapanghihinayang na relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending