Ruby sasailalim sa medical procedure: Sana putulin na stomach ko…
SASAILALIM sa medical procedure ang TV host-comedienne na si Ruby Rodriguez matapos makaranas ng matinding sakit sa tiyan.
Isang linggo nang naka-confine ngayon ang Eat Bulaga Dabarkads para obserbahan ang kanyang health condition dahil sa severe stomach pain.
Sa pamamagitan ng Instagram, kinumpirma ni Ruby na may natuklasan ang kanyang mga doktor na nagiging sanhi ng pananakit ng kanyang tiyan.
Nag-post ang TV host sa IG ng kanyang litrato na nasa loob ng kwarto niya sa Manila Doctors Hospital habang nanonood ng Netflix series sa iPad.
Nilagyan niya ito ng caption na, “Changed location, I wanted to seat naman. Watching Netflix on my iPad, just chilling with the meds and view! Let me post a skyline if I can get one! #maniladoctorshospital #manilaview #sunset #waitingtobesickfree.”
Sa comments section, nag-react ang dating EB host at kaibigan ni Ruby na si Isabelle Daza at kinumusta ang kalagayan niya.
Tugon ni Ruby, “I will have my procedure tomorrow. Sana putulin na stomach ko for me to be payat.”
Isang follower naman niya sa IG ang nagsabing sasailalim din siya sa stomach procedure na tinatawag na Bariatric Surgery kasabay ng pagbibigay ng lakas ng loob kay Ruby sa pinagdaraanang pagsubok.
Reply sa kanya ng EB Dabarkads, “I’m not doing that. I have a mass in my stomach that needs to be taken out.”
Hindi naman binanggit ni Ruby kung anong partikular na medical procedure ang gagawin sa kanya pero nagkaisa ang kanyang IG followers na ipagdarasal ang kanyang mabilis na paggaling.
Nitong nakaraang araw, nag-post si Ruby ng selfie photo habang nakatanaw sa Manila skyline at may caption naz “Good night! Hopefully.”
Sinundan pa ito ng isang photo kung saan makikita ang isa niyang braso na may mensaheng, “I want to go home!!! I miss AJ.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.