SHOOT sa selda ang lalaking nagngangalang Jesus matapos unamin na siya ang bumasag sa 100-taong salamin ng simbahan sa North Carolina, United States.
Ani Jesus Jose Arellano, binasag niya ang salamin ng bintana ng Grace Moravian Church alas-11 ng gabi noong nakaraang Lunes.
“Approximately two square feet of the 30-foot stained glass window, which dates back to 1925, was smashed by Arellano,” ayon sa pulisya.
Bato na may haba na isang talampakan ang ginamit niya para mabasag ang salamin.
Natagpuan kinabukasan si Arellano sa sementeryo sa harap ng simbahan. Kinasuhan siya ng injury to real property.
Sinabi naman ni Neil Ruth, pastor ng simbahan, na marami ang nagalit sa ginawa ni Arellano. Nagtataka rin sila kung ano ang nagtulak dito na basagin ang salamin ng simbahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.