DALAWA katao ang nasugatan nang magpaputok ng baril ang tatlong sundalo habang nag-iinuman sa Paranas, Samar kahapon.
Ayon sa ulat, nag-iinuman ang tatlong sundalo sa bahay ng isang
Rogelio Barondo sa Brgy. San Isidro alas-10 ng gabi kaya pinuntahan sila ng tanod na si Marcelino Nacar.
Imbes na tumigil sa pag-inom, nagpaputok sa lupa ang tatlo, mga miyembro ng 46th Infantry Battalion na nakabase sa Calbiga.
Tinamaan ng bala sa kamay si Nacar habang nasugatan sa kili-kili, binti at tiyan ang magsasakang si Teodorico Cinco, na nakatayo malapit sa lugar.
Isinugod ang mga biktima sa Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City habang tumakas ang mga suspek.
Isa sa mga sundalo ay nakilalang si Cpl. Jover Mabaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.