Willie: Hindi ako puwedeng nagpapahinga lang, kailangan kong tumulong  | Bandera

Willie: Hindi ako puwedeng nagpapahinga lang, kailangan kong tumulong 

Cristy Fermin - May 25, 2020 - 11:39 AM

WILLIE REVILLAME

BALIKAN din ang biyahe ni Willie Revillame at ng kanyang production staff sa Puerto Galera nu’ng nakaraang Sabado. 

Maaga silang umalis sakay ng chopper para mas maaga rin silang makapaghandog ng ayuda sa mga tagaroon.

    Pinaghandaan ni Willie ang nasabing biyahe, nagpahanda siya ng mga produktong siguradong kapaki-pakinabang para sa mga kababayan nating mga Mangyan na napamahal na sa TV host, kinahapunan ay nagbalik na rin sila sa Maynila.

    Patuloy ang pamamahagi niya ng papremyong cash para sa ating mga kababayan sa kanyang “Tutok To Win,” ang dali-daling maging masuwerte sa programa ni Willie, walang gagawin ang kanyang mga tagapanood kundi ang tumutok lang talaga para manalo sila nang limang libo na umaabot pa nga nang hanggang beinte mil depende sa sitwasyon ng buhay ng tinatawagan niya.

    Kung tutuusin, para sa isang personalidad na tulad ni Willie na ilang dekada nang nagtatrabaho sa harap ng mga camera, ang lockdown ay puwede na niyang ituring na pahinga.

    Napakaganda pa naman ng kanyang beach house sa Puerto Galera, maaliwalas ang paligid, parang walang problema sa lugar na ‘yun.

    Pero sabi ni Willie, “Kung tutuusin, e, napakasarap sa Puerto Galera dahil maganda ang dagat, tahimik ang kapaligiran, wala kang gagawin du’n kundi ang kumain at matulog lang.

    “Ang sarap-sarap talaga du’n, pero hindi ako mapakali habang nandu’n ako, kaya nagbuo kami ng team ko ng paraan para kahit paano, e, makatulong kami sa mga tagaroon.

    “Hanggang sa lumuwas na nga ako para mas palakihin ang pagtulong ng show sa mga kababayan natin. 

“Hindi ako puwedeng nagpapahinga lang, kailangan kong tumulong sa mga nangangailangan,” sinserong pahayag ni Willie Revillame.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending