outbrain

10 barangay sa Navotas isinailalim sa ECQ

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

10 barangay sa Navotas isinailalim sa ECQ

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

ISINAILALIM sa Enhanced Community Quarantine ang 10 barangay sa Navotas kung saan mataas ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco kaninang alas-5:01 nagsimula ang ECQ at magtatagal ito hanggang alas-11:59 ng gabi sa Mayo 31.

“Sa RIATF NCR Resolution No. 3, pinayagan po tayo na isailalim sa ECQ ang 10 barangay na may matataas na kaso ng COVID-19. Kabilang dito ang Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, NBBS Kaunlaran, NBBS Proper, San Jose, NBBN, Sipac Almacen, Daanghari, Tangos North, Tangos South, at San Roque,” ani Tiangco.

Layunin nito na malimitahan ang paglabas ng tao upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang mga may quarantine pass lamang ang maaaring lumabas ng bahay para bumili ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan sa araw ng kanilang barangay market schedule. Bukas ang mga pamilihan mula 5 ng umaga hanggang 8 ng gabi.

Maaari ring lumabas ang mga empleyado sa industriya na pinapayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases gaya ng mga nagtatrabaho sa Navotas Fish Port.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending