outbrain

Claudine may hugot sa mga ‘stupid’, hula ni Gretchen…’3 huge pigs’

By Julie Bonifacio May 23,2020
share this

Claudine may hugot sa mga ‘stupid’, hula ni Gretchen…’3 huge pigs’

By Julie Bonifacio May 23,2020
share this

CLAUDINE AT GRETCHEN BARRETTO

NAGULAT ang mga nakapanood sa aktres na si Claudine Barretto sa “I Feel You” online show hosted by Toni Gonzaga and Luis Manzano kamakailan.

    Napansin agad ng netizens ang mukha ni Claudine na tumaba. Medyo malayo na nga ito sa mukha niya nu’ng huli siyang makita on TV.

    Last time siyang napanood sa TV ay malaki na ang ipinayat niya hindi lang ng kanyang mukha kundi pati ng buo niyang katawan. 

    Nagpapapayat na kasi si Claudine that time in preparation sa napabalitang balik-tambalan nila sa pelikula ni Piolo Pascual under Star Cinena.

   Nakausap namin ang  isang malapit kay Claudine tungkol dito at   ayon sa aming source, mali lang daw yung anggulo ng camera na nakatutok sa aktres. 

    “Nasa baba ang phone eh, dapat eye level kasi nakakataba talaga ang shot kapag galing sa ibaba,” sabi ng kausap namin.

   Pangalawa, halos lahat naman daw yata ngayon ay tumaba nang dahil sa dalawang buwang lockdown.

   Pangatlo, at pinakaimportante sa lahat, tinatapos daw ni Claudine ang medication niya for anxiety and depression para makatulog nang maayos at tatagal daw ang pag-inom niya ng gamot until this month.

    “Ang side effects nu’n talaga is nakakataba in Clau’s case yung face kasi niya ang unang lumalaki kaya kala mo mataba talaga pero hindi naman talaga masyado yung katawan,” sabi pa ng aming source.

   Kaya kung mapapansin din daw,  parang manas yung pagkataba ni Claudine.  

   Once she stops na raw the cycle,  ang bilis mag-wear off yung pagka-bloat niya. She needed to undergo medication lang talaga these past few months. 

      Hindi lang daw matanggihan ni Claudine si Congw. Vilma Santos,  dahil daw sa Star for All Seasons kaya pumayag na mag-appear si Claudine sa online show nina Toni at Luis.

    Ayaw pa raw talaga sanang magpakita ni Claudine na maging visible these days.

    Nagsisimula pa lang daw ulit mag-workout at magpapayat si Claudine to  prepare for the launch of her vlog and soap opera na inalok sa aktres since last year.

   Bukod pala sa movie nila ni Piolo, may nag-alok din ng teleserye kay Claudine na dapat sana’y magkakaroon na ng storycon pero biglang nagka-lockdown.

    Mabils naman daw magpapayat si Claudine. Masipag mag-workout at hindi naman malakas kumain.

    Nagawa na raw ito dati ng aktres   kaya naniniwala ang aming source na magagawa niya ulit ito ngayon.

    Knows naman daw ng public na  hindi naging maganda for Claudine ang 2019. Namatay ang kanyang ama at nagkaroon pa ng malaking iskandalo sa pamilya nila. 

   Samantala, na-curious naman ang netizens kung sino ang tinutukoy ni Claudine sa kanyang post sa Instagram.

    Isa itong picture frame na may nakalagay na, “All people have the right to stupidity, but some abuse the privilege.”

   Ito naman ang nakalagay na caption sa kanyang IG post, “My Patience Ran on empty.”

      Makikita naman agad sa comment section ang reaction ng sister ni Claudine na si Gretchen Barretto. Sabi ni La Greta, “Oh no. who? Hmmm.”

     “I tell u later. Call me  later when you’re not busy. I luv u,” sagot ni Claudine sa kapatid.

   Nag-reply naman si Gretchen kay Claudine ng, “3 huge pigs, foster family from Atis st.”

      Hmmm, sino kaya ang tinutukoy  ni Gretchan na nakatira sa Atis St.? 

                       

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending