outbrain

Megan umamin: nagselos nang ihatid ni Mikael sa bahay si Andrea 

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

Megan umamin: nagselos nang ihatid ni Mikael sa bahay si Andrea 

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

DIRETSAHANG ibinandera ng beauty queen-actress na si Megan Young na nagselos siya noon sa ka-loveteam ng asawa niyang si Mikael Daez.

Ang tinutukoy niya ay ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres na ilang beses naging leading lady ni Mikael sa mga teleserye ng GMA 7.

Sa bagong episode ng kanilang podcast, ang #BehindRelationshipGoals, napag-usapan ng Kapuso couple ang kanilang pagiging artista at ang pagkakaroon ng ka-loveteam sa pelikula at teleserye.

Dito nga naikuwento ni Megan ang pagtatambal nina Mikael at Andrea sa 2012 Kapuso series na Sana Ay Ikaw Na Nga. And yes, may isang bagay daw na ginawa ang kanyang mister na nag-trigger ng kanyang selos at pangamba.

“Mikael said one time, ‘Yeah, I have a new love team, I just wanna get to know her more para we become more comfortable together on the set.’ I was like, ‘Yeah that’s cool. I’ve been there, I’ve done that. No big deal.’

“And then he goes, ‘Hinatid ko nga siya doon sa bahay niya.’ I was like, ‘Uh, what?’ Napatigil talaga ako. ‘Can you just say that again? You made her hatid where?'” pahayag ng Pinay Miss World.

Hindi itinago ng aktres kay Mikael ang kanyang nararamdaman at talagang kinausap niya ito about Andrea.

“Here’s the deal, I’m gonna lay it out for you right now, this is how it looks like from the outside. People will see her going in your car, and yes, it’s cool because love team nga kayo.

“What I’m worried about is what kind of thoughts are you putting in her head. 

“I think she was single at that time and I don’t want you to put any thoughts into her head like you’re taking her home, galante ka, baka isipin niya na may gusto ka sa kanya.

“I don’t want you to put these kinds of expectations in your love team. I want you to have a goal for your love team” tuluy-tuloy na chika pa ng aktres.

Depensa naman ng aktor, nais lamang niyang magkaroon ng “good working relationship” with Andrea para maging matagumpay ang kanilang love team. Pero nang kausapin nga siya ni Megan tungkol dito, agad naman niyang nagets ang point. 

Sa ngayon, isa si Andrea sa malalapit nilang kaibigan ngayon sa showbiz na super in love naman ngayon kay Derek Ramsay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending