outbrain

Matteo, Sarah enjoy sa ‘lockdown honeymoon’, pero wala pang planong magka-baby

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

Matteo, Sarah enjoy sa ‘lockdown honeymoon’, pero wala pang planong magka-baby

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

INE-ENJOY nang bonggang-bongga ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang quarantine life together.

Halos magkasabay ang pagpapakasal nina Sarah at Matteo sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Kaya naman biro sa kanila ng fans at social media followers ng AshMatt, kailangang sulitin na lang nila ang kanilang “lockdown honeymoon” dahil baka matagalan pa bago nila maisagawa ang kanilang dream honeymoon.

Sa panayam ng ABS-CBN, natanong si Matteo kung masasabi ba niyang “extended honeymoon” sa kanila ng misis ang nangyaring ECQ, sagot ng aktor, “That’s the good part about it.”

Pero muling ipinagdiinan ni Matteo na wala pa sa plano nila ni Sarah ang magka-baby this year. Gusto raw muna nilang i-enjoy ang kanilang pagsasama as married couple.

 “No, not yet. Not yet. Ha-hahaha! I don’t think so. Not yet. We’re still enjoying our time together for all these years and hopefully in the right time. I think every single day is a blessing,” pahayag ng singer-actor.

Samantala, nagpahayag din ng suporta si Matteo sa ABS-CBN matapos ang pagpapasara rito ilang linggo na ang nakararaan. Parehong nakakontrata sa Viva Artists Agency ang mag-asawa at napapanood sa Kapamilya network.

 “I am praying every single day. My wife and I have been praying that ABS-CBN can stand back up. And all we need is humility, unity, and peace, you know.

“And I believe, I believe that Filipino people want ABS-CBN and love ABS-CBN like a family. So, I believe it will come back one day, and I hope and I pray that all these issues will be resolved one day,” aniya.

Dagdag pa ni Matteo, “Of course it’s heartbreaking. But, you know, we’re being positive, and we’re thinking positive that everything will be okay.

“And with your prayers and sincerity again, and with your humility again, and be positive, and things will be okay. You have to be positive, because what’s going to happen if we put more fire to fire, you know,” pahayag pa ng aktor na bibida sa kanyang sariling documentary film na “Ranger G The Making of a Philippine Scout Ranger” na mapapanood ngayong araw sa iWant.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending